Chapter 9: See You Later
—YSLA ALONZAGA—
"Tambay ulit tayo sa cafe." Aya ko kay Aloha. Agad naman itong tumayo dahil sa sinabi ko at inayos agad ang bag niya.
Anak ng tokwa, ang bilis kumilos.
"Tara naaaaa!"
"Sabi ko tatambay, wala akong sinabing libre." Paglilinaw ko dito.
"I know right. Anong akala mo sa akin, walang money?" Maarteng sabi nito bago hiklatin ang braso ko.
Basta talaga tambay, masyadong excited 'tong babaeng 'to. Wala naman kaming ibang ginagawa kundi ang magkwentuhan lang din.
Nagderetso na kami papalabas nang hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko nang bigla na lang may mag text sa kaniya.
Usisera ako pero hindi ko naman babasahin 'yon.
"Badtrip." Yamot na yamot na bigkas ni Aloha bago ako tingnan. "Susunduin ako ni Kuya."
Bigla akong napatigil sa paglalakad nang sabihin niya 'yon. Tsaka ko lang naalala na malabong 'yung isa 'yon dahil naglayas nga pala siya at may isa pang kapatid si Aloha. Kaya malamang sa malamang ay 'yung panganay nilang kapatid ang nagsabing susunduin siya.
Masyado akong nasanay na dinadaanan siya nung isa niyang kapatid na galing sa University tapos isasabay din ako ng sakay hanggang sa labas ng village namin kahit na sa kabila naman ang bahay nila at masyado pa silang mapapalayo.
Kapag kasi nagmamatigas itong si Kun o nagrereklamo ay tinatakot ito ni Aloha na magsusumbong siya kay Tita kapag hindi ako nito inihatid pauwi.
"Bayaan mo na, bukas na lang tayo mag cafe." Pampalubag loob ko dito kaso ay lalo naman siyang nagdabog na parang bata.
"Gusto ko ngayon e."
"Ano ba, hindi naman aalis 'yung cafe don. Pwede naman tayong tumambay don anytime." Dagdag ko pa dito kaso ay sumimangot lang siya lalo habang nakalambitin pa sa akin.
"Gusto ko ngayon, Ysla." -
"Bukas na nga sabi."
"Badtrip kasi e. Ano bang nakain ni Kuya Khan bakit bigla bigla siyang nanunundo." Reklamo pa nito bago kami magtuloy ng lakad papalabas ng gate dahil wala na siyang magagawa, nasa labas na kasi ang sundo nito.
Sa hindi kalayuan ay may kumakaway kay Aloha. Which is 'yung kapatid niya dahilan para mapatampal ako sa mukha sa isip ko.
Hindi ko alam dito sa kapatid niyang 'to kung nananadya ba ito o ano. Alam naman nitong hindi ako komportableng makita siya tapos ngayon naman ay dadayo pa ito sa school namin para sunduin ang kapatid niya.
Kaya bago pa man kami makatawid ay nagpaalam na ako sa kaibigan ko na hindi ako sasabay sa kanilang dalawa.
Dahil una sa lahat, ayaw ko. Pangalawa, ayaw ko pa rin. At pangatlo, AYAW KO TALAGA!
"Hindi, sumabay ka na din sa amin. Si Kuya Khan naman ang magddrive e. Kung si Kuya Kun, mainit ulo. 'Yan namang si Kuya hindi, kaya wag ka masyado magalala." Pangungumbinsi pa nito sa akin pero kahit anong sabihin nito sa akin ay hindi ako nito makukumbinsi dahil ayaw ko talaga.
Inilingan ko s'ya bago nginitian para ipakita na okay lang ako.
"Okay lang talaga. Promise." Sagot ko pa dito pero hindi ako nito pinakinggan at hinila na lang ako papunta sa kung na saan nakaparada ang sasakyan ng kapatid niya. Ni hindi manlang ako nito hinayaang magsalita dahil derederetso lang ang pagkakahila nito sa akin.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
