Chapter 4: Two Weird Dude
—YSLA ALONZAGA—
"Bye Daddy."
"Mamaya pala anak, dumaan ka sa cafe paguwi mo galing school, tapos bumili ka ng cake. Magdinner tayo mamaya."
"Oh?! Dinner?!"
"Sinabi ko na kay Mommy mo. Sa bahay tayo magd-dinner."
"Anong cake?" Masayang tanong ko. Syempre cake 'yon. Kahit ata walang okasyon ay ugali na naming bumili ng cake para sa dinner.
"It's up to you. Ikaw na bahala pumili." Sabi ni Daddy dahilan para mapangiti ako.
"Okay, no problem." Sagot ko dito.
"And isama mo na din si Aloha. Since lagi ka n'yang isinasama sa family dinner nila." Dagdag pa ni Daddy kaya't nag okay sign ako gamit ang kamay ko.
"Yup, no probs." Huling sabi ko kay Daddy bago ako ngumiti at kumaway hanggang sa makalayo na ang kotse niya.
Ilang dipa na lang ang layo ko sa school gate nang maisipan kong ilabas ang paper bag na nasa loob ng bag ko. Sumilip din ako sa wrist watch ko at nakitang maaga pa naman.
Hindi ko maiwasan ang mapabuntong hininga bago umiling ng ilang beses at pumara ng taxi.
。。。
"Mawalang galang na po pero hindi ko matatanggap 'yang mga 'yan." Pagak kong sabi bago tahimik na iniabot ang paper bag sa kaniya.
Oo, ibinalik ko sa kapatid ni Aloha 'yung mga dinala n'ya sa bahay namin noong isang araw. Wala akong ginalaw don at wala akong ginamit don.
Sinubukan kong magchat dito at nakakagulat na pumayag ito na makipagkita sa akin sa cafe na medyo malayo sa school
"And why?" Natatawang tanong nito dahilan para maikunot ko ang aking noo.
Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa tawa nito o mawiwirduhan dahil wala namang dahilan para matawa pero tumatawa ito. Baliw ba siya?
"Dahil hindi ko ho matatanggap 'yan. Wala naman hong dahilan para tumanggap ako ng ganitong mga gamit galing sa inyo. And it's not like I ask for gifts. Kaibigan lang ako ng kapatid niyo." Sagot ko dito at malapit na din akong maubusan ng respeto sa kaniya dahil naaasar ako sa paraan ng pagkakangiti nito sa akin. "'Yun lang, aalis na ko."
"Wait." Nakangiti paring pigil nito sa akin. At dahil baliw din ako ay tumigil nga ako. Nacucurious din kasi ako sa sasabihin nito e. Bakit ba.
Onti na lang ay malapit ko nang sumbihin ang isang ito. Isa pang ngiti, at talagang malapit na akong mapikon dito. Baka mamaya ay maipakain ko pa sa kaniya 'yang mg binigay niya saking mga gamit.
Parang may gusto siyang ipahiwatig kaya niya ibinigay sa akin 'yung mga 'yon pero hindi ko din naman mawari kung ano ba talagang dahilan niya dahil hindi naman kami nito close at wala akong ideya kung para saan ang mga gamit na ibinibigay niya.
"Ano pa pong kailangan n'yo?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ko dito at napapikit na lang ako ng mata nang
"I know kilala mo na ako. But I'm Kahuna, Khan for short. I'm just 4 or 5 years ahead of you guys. And if you're assuming na college student pa ako, maaga akong naggraduate and I—"
"Excuse me, wala po akong sinasabing magkwento kayo." Nagtatakang sagot ko dito dahil wala naman talaga akong sinabi na magkwento s'ya ng talambuhay niya!
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
