Chapter 5: Doughnut?

44 3 0
                                        

Chapter 5: Doughnut?

—YSLA ALONZAGA—

"Hindi ko na alam ang gagawin ko dun sa dalawa kong kapatid. Sila na nga itong mas matatanda, pero sila pa rin 'yung parang mga mas bata pa sa akin." 

"Sabi ni Mommy, parehas kasi silang lalaki. Hindi daw talaga maiiwasan 'yang mga ganiyang pakulo nila."

"'Yun na nga. Parehas ngang lalaki. Parehas din na paula-ulaga." Naiinis na sabi nito habang nakasimangot at napapakamot pa sa ulo dahil sa inis. Mabigat na din ang paa nito kada hakbang na akala mo ay pasan n'ya ang buong kalupaan ng Pilipinas. 

Sabay na lang kaming napabuntong hininga ni Aloha dahil sa ginagawa namin ngayon.

Maaga kaming umalis ng school at nagderetso sa University kung saan pumapasok si Kun. Dahil tatlong araw na din ang nakalipas nang huling umuwi si Kun sa kanila, sinamahan ko na itong kaibigan ko na hanapin ang nawawalang kapatid niya dahil naaawa ako sa kaibigan ko at hindi sa kapatid nito. 

Alam ko namang malabong maging palaboy na lang 'yon pero sumama pa rin ako kay Aloha dahil kaibigan ko s'ya.

Sino pa ba ang tutulong kay Aloha bukod sa akin 'di ba? Kaya ayan, mukha kaming ewan ni Aloha kakahanap sa kapatid niyang nawawala (naglayas). 

Atsaka kahit ganon naman sa akin si Kun ay kapatid pa rin siya ng kaibigan ko. 'Yun na lang ang inaalala ko ngayong hinahanap namin siya. 

Isasantabi ko na muna yung  hidden hate na nadadama niya sa akin every time na magkasama kami ng kapatid niya.

So eto na nga, walang ibang alam si Aloha kung saan siya pwedeng magtanong dahil ang alam naman naming lahat ay walang kaibigan itong kapatid niya dahil masungit siya sa tao so I assume na pati sa mga kaklase nito ay ganon din siya. 

Ako nga na walang ginagawang masama ay kinagagalitan pa nito. 'Yun pa kayang mga kaklase niya na halos araw-araw na niyang nakakasama. 1st year college pa lang ito pero siguro ay sawang sawa na 'yung mga kaklase niya sa kasamaan ng ugali niya. 

Bukod pa sa masungit ito ay busy din ito sa pagaaral. Siguro siya 'yung tipo ng estudyante na hindi manlang gumagala matapos ng klase. Aalis na agad ito para umuwi o hindi kaya para tumambay sa library at magaral dahil lulong na din ito sa kasipagan. 

Busy ako sa pagmumuni-muni hanggang sa bigla na lang kaming napatayo ni Aloha nang makita ang karamihan ng estudyante na papalabas na ng University gate.

Umaasang makita ang kapatid nito ay panay ang linga namin sa gate kung saan nagsisilabasan ang mga tao. At kahit ang dami daming mukha ay tuloy lang ang paghahanap namin ni Aloha sa #NawawalangKapatidNiya.

Syempre wala din naman akong magawa kundi ang maki-search and rescue sa kapatid ng kaibigan ko since 'yun ang ipinunta namin dito. Ganon ako kabait kahit na masama ang loob ko sa kaniya kada nagagalit ito sa akin!

Gaya ni Aloha, hinahanap ko din sa kumpulan ng mga tao kung andon ba 'yung kapatid niya. Pero napapakamot na lang ako sa ulo dahil sa pagkahilo. Ang dami-dami ba naman kasing mukha!

"Sigurado ka bang ganitong oras ang awasan ni Kun?" Tanong ko dito.

Baka kasi mamaya ay panay ang hanap namin e hindi naman pala ito ang oras ng uwian nung kapatid niya.

"Aba oo, last last week nung sinundo niya ako, ganito talaga sched ang niya." Sagot nito kaya nagpatuloy lang kami sa pagmamatyag kasi baka mamaya ay malagpasan pa namin ng tingin ang mga dumadaan. 

Pero makalipas na ang mahigit 15 mins pero ni kamukha ng kapatid ni Aloha ay hindi namin nahanap.

At ang pinakaayaw ko? Maghintay. As in.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now