Chapter 8: Give Away Pasta

38 3 0
                                        

Chapter 8: Give Away Pasta

-YSLA ALONZAGA-

"Mga anak, baba na lang kayo dito kapag nagugutom na ha?"

"Opoooo."

"Salamat Tita." Sagot ko sa Mommy ni Aloha habang papaakyat na kami papunta sa kwarto ni Aloha.

Agad akong dumeretso sa maliit na couch sa kwarto ni Aloha bago irelax ang sarili ko dito.

"Hanggang ngayon, wala pa rin akong idea kung saan ko na ba hahanapin si Kuya. Hindi ko maimagine kung nakakakain pa ba 'yon ng ayos kasi baka kung saan saan na lang siya nag stay."

Pakiramdam ko ay sinuntok 'yung baga ko dahil sa narinig ko mula kay Aloha na binubuksan ang aircon. Mabuti na lang at nabalik ako sa huwisyo bago pa man s'ya makalingon sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kaibigan ko dahil sa sinabi niya lalo pa ngayon na alam ko kung saan nagtatago itong kapatid niya. Pakiramdam ko ay pinagtatrayduran ko ang kaibigan ko dahil dito. 

(┬┬﹏┬┬)

"D-diba, sabi mo sa palagay mo may kinalaman si Kuya Khan kaya umalis si Kun?" Tanong ko dito. 

"Oo, sure ako don. Kasi diba hindi naman namin nakasama talaga lumaki si Kuya Khan. Kaya feeling ko may something sa kanila na hindi nila sinasabi sa akin. Wala naman akong maalala na pagtatalo nila noon e." Nagtatakang sagot nito sa akin habang nakakunot ang noo at nakatulala sa kisame at nakahiga sa kama niya.

Habang ako naman ay nagulat dahil sa sinabi nito. 

"Ha? Hindi sila magkasama lumaki?" Gulat na tanong ko dito. Oa na kung oa pero nagulat talaga ako kasi hindi ko naman talaga alam o nabalitaan na hindi pala sila magkasamang lumaki. 

Ang alam ko lang ay hindi talaga nila 'to nakakasama noong malalaki na sila kasi that time ay nasa dorm na si Kuya Khan for college pero hindi ko naman alam na hindi pala talaga nila nakasamang lumaki ang isang 'yon noon. 

"Hala hindi ko pala nakwento sayo. Ganito kasi 'yan, diba limang taon nga 'yung agwat nila, si Kuya Khan kasi dito lumaki sa Pilipinas. Nung time na magtatrabaho na si Mommy at Daddy sa US, 5 years old na si Kuya Khan non, pero dahil hindi nila alam na buntis na si Mommy non kay Kuya Kun, sa Seattle na kami lumaki ni Kuya Kun. Nakakauwi naman kami noon pero syempre, may work sila so mostly, 3 to 6 days lang. Hinintay muna nilang matapos yung contract kaya paguwi namin, 10 years old na si Kuya Khan. Hindi naman alam nila Mommy na kahit pinaaalagaan si Kuya Khan sa kapatid ni Mommy, nagkaroon si Kuya Khan ng independent traits..."

"...hindi din naman inasahan nila Mommy na parang syempre, naging awkward sila Kuya sa isa't isa kasi nagkasama na sila noong medyo malaki na si Kuya. Okay naman sila sa'kin parehas pero syempre dahil si Kuya Kun 'yung kasama ko talaga sa Seattle, syempre mas kasama ko lagi si Kuya Kun." Mahabang paliwanag ni Aloha sa akin dahilan para dahan dahan akong mapatango.

Hindi naman kasi naikwento nga sa akin ni Aloha 'yon dahil hindi ko naman naitanong. Kaya ayon, 'di ko alam. Akala ko hindi lang talaga sila close. May history pala naman.

"Parang ang babaw naman kung aalis si Kun dahil lang awkward siya sa kapatid niyo." Puna ko.

"Hindi, feeling ko may ibang dahilan talaga. Parang tanga lang kausap si Kuya Khan, kaya hindi ko siya mapaamin kung anong ginawa niya kay Kuya."

Go With The FlowWhere stories live. Discover now