Chapter 21: Three Friends

19 2 0
                                        

Chapter 21: Three Friends

—YSLA ALONZAGA—

"Para sa akin ba 'yan?" Usiserang tanong ni Aloha sa akin habang sinisilip pa ang laman ng paper bag kaya't agad kong inilayo ito sa kaniya.

"Hindi. Bumili ka na lang ng sa iyo." Sagot ko dito dahilan para maiwan siyang nakanganga.

"Kay kuya 'yan ano?" Suspetsya ng kaibigan ko.

Agad ko siyang liningon bago ngitian dahil tama siya sa hula niya. Hindi siya nagkakamali sa iniisip niya!

(*˘︶˘*).。*♡

"Hoy! Ako ang kaibigan mo! Bakit 'yung kapatid ko 'yung bibigyan mo?!" Nakasimangot na tanong nito sa akin habang napapadabog pa na akala mo ay batang hindi pinayagang lumabas ng bahay.

"Bakit? Hindi ba pwede?" Tanong ko dito at lalo lang na lumala ang pagiging pabebe nito at mas lalo pang ngumuso sa akin.

"Nakakaselos na ha."

"Araw-araw naman kitang kasama, may gana ka pa talagang magselos sa kapatid mo."

Kulang na nga lang ay magkapalit kami ng mukha dahil sa loob man o sa labas ng school ay siya pa rin ang kasama ko.

"Naaagaw na niya 'yung atensyon mo."

"Ang OA naman! Ikaw pa rin naman ang kasama ko ngayon."  Depensa ko dito pero hindi pa rin naman naalis ang simangot sa mukha nito.

"Sus, ang sabihin mo nga ay siya pa rin ang iniisip mo kahit na ako naman ang kasama mo ngayon."

Hindi ko maiwasan ang mapahawak sa tungki ng ilong ko dahil sa sinabi nito. Kaya para naman mabawasan ng bahagya ang pagtatampo nito ay ikinalang ko na lang ang braso ko sa kaniy ar humilig pa ng kaunti sa balikat nito.

"At least diba, medyo nakakakilig na kaming dalawa." Pampalubag loob ko dito.

Wala din naman siyang magawa dahil kung hindi siya kikiligin sa mga kwento ko sa kaniya ay kanino pa siya kikiligin.

Atsaka noong nakaraan pa nito hinihintay na kiligin siya sa amin ng kapatid niya.

Anyways, dumeretso na din kami ng uwi dahil wala naman na kaming ibang pupuntahan. Tsaka isa pa. Gusto na lang naming dalawa na magpahinga.

Sino ba ang ayaw magpahinga 'di ba?!

Kaso the moment na binuksan na namin ni Aloha ang pintuan ay bumungad sa amin ang tatlong tao sa salas habang kumakain at nagtatawanan.

Busy sila kaya hindi na nila napansin na nasa pintuan na kami ni Aloha.

"Nako, suplado nga itong si Kun kahit na nakakasama ko na siya noon kasi nga Class Representative siya tas Class Monitor ako."

"Sabi ko naman sa'yo, suplado ka nga tingnan kapag hindi ka nakangiti."

"Kailangan ba talgang nakangiti ako all the time?"

"Syempre hindi, pero kasi gaanan mo naman 'yung facial expression mo para approachable ka tingnan. Hindi 'yung para ka nang makikipagaway lagi."

Agad na naglanding ang mata ko sa dalawang bisita niya at napansin namin na napatigil sila sa paguusap nang mapansin na nila kami.

Hindi ko inaasahang makita dito si Audrick at 'yung babaeng bumati sa amin ni Hakuna sa tapat ng Westridge.

Agad akong napalunok nang makita ang tingin ng babae sa akin kaya kinulbit ko na lang si Aloha bago ito senyasan na dumeretso na kami sa itaas.

Go With The FlowStories to obsess over. Discover now