Chapter 20: Late Library Hours

19 2 0
                                        

Chapter 20: Late Library Hours

—YSLA ALONZAGA—

"Ayoko na talaga." Reklamo ko habang tinatapos ang activity. Samantalang ito namang kasama ko ay wala nang kailangan pang intindihin dahil hindi naman kahirapan ang napunta sa kaniya.

Natapos na agad niya 'yung sa kaniya kanina. Napakadaya.

Kung tutuusin nga ay workload ito na para sa dalawang tao pero bakit wala manlang akong kapartner o hindi kaya katulong manlang.

"Dun mo na sa bahay tapusin 'yan." Pachill-chill na sabi nito habang kumakain ng choco-choco.

Agad kong natampal ang kamay nito dahil doon. Alam naman na bawal ang pagkain sa library, may pagdala-dala pa ng matamis dito.

Nakangusong itinago nito sa bag ang kaninang kinakain niya.

Inilingan ko ito bago magpatuloy sa ginagawa ko.

"Ikaw, napakatamad mo. Kaya nga nasa library tayo ngayon kasi wala naman akong mailalagay dito sa paper ko kung sa inyo ako gagawa e." Sagot ko dito.

Wala naman siyang ibang gagawin kung hindi ang daldalin lang ako nang daldalin kaya kung sa kanila ako gagawa ay baka hindi talaga ako makatapos sa ginagawa ko.

Kita ko na tinatamad na ito at atat na atat na siyang umuwi pero nanatili pa rin itong nakaupo.

"Umuwi ka na lang kaya." Suggestion ko sa kaniya.

Wala naman kasi itong gagawin dito kaya mas mabuti pang sa kanila na lang siya magpahibga. Mamaya niyan ay panay reklamo lang din ang gawin niya sakin. kasi mabagal ako sa ginagawa ko.

"Bilisan mo na lang diyan. Hihintayin na kita." Sagot nito na inilingan ko ba lang.

Sige ha. Tingnan na lang natin kung hindi ka tamarin sa kakahintay mamaya.

Agad na itinuon ko ang atensyon sa ginagawa ko at ipinagpatuloy na lang ito para matapos na ako.

Pero lumipas na ang 40 minutes at hindi pa rin ako nakakaalis sa kinauupuan ko. Ni hindi ko nga alam kung may natatapos ba ako sa ginagawa ko dahil parang hindi ito nauubos.

"Ano na? Patapos ka na ba?" Naiinip nitong tanong matapos ibaba ang phone niya.

"Wait lang. Konting time pa." Sagot ko sa kaniya.

"Matatapos ka pa ba diyan?"

"Matatapos ako kung hindi mo ako dadaldalin."

Agad ako nitong nginusuan dahil sa sinabi ko bago siya magpatuloy sa paglalaro sa phone niya.

Hanggang sa 30 minutes ulit ang lumipas pero mukhang hindi pa talaga ako makakatapos kaya naman tinapik ko na si Aloha na mukhang nakatulog na sa library.

Nalowbatt na ata ang phone nito kaya tinigilan na niya ang paglalaro kanina at nakatulog na lang.

"Aloha, umuwi ka na." Paggigising ko dito.

Kakamot-kamot ang ulo na tiningnan ako nito nang maalimpungatan siya. ula sa pagkakatulog niya.

"Tapos ka na ba?" Tanong ni Aloha.

"Hindi pa e. Baka mamaya-maya din umuwi na ako." Sagot ko dito.

Kita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Aloha dahil sa sinabi kong mauna na siya pero itinulak-tulak ko na ito kaya wala na din siyang nagawa.

Mukha naman kasing inaantok na talaga si Aloha e.

"Magtext ka ha." Sabi nito habang kumakaway na palayo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now