Chapter 25: Call Me Maybe

26 2 0
                                        

Chapter 25: Call Me Maybe

—YSLA ALONZAGA—

"Ano ba, magtigil nga kayong dalawa. Bakit ba andito kayo parehas? Agang-aga, siya namang singga niyo sa pagiingay." Sita ko sa magkapatid na agang-aga ay andito na sa amin.

Hindi ko naman alam kung bakit at ano ang ipinunta nilang dalawa dito pero kanina pa nagaaway ang magkapatid na 'to dito sa amin.

Mabuti na lang at wala si Mommy at Daddy. Parehas na may lakad.

Kaya din siguro ganito kalakas ang loob ng dalawang 'to na sumugod dito at dumayo ng away dahil wala ang Mommy at Daddy.

Kung nagkataon na nagpangabot sila Mommy at itong dalawang magkapatid ay hindi nila papaalisin 'to at mapipilitan lang ako na magentertain ng bisita ng ganito kaaga kahit na wala pa ako sa huwisyo.

Agad akong nahilo nang alugin ako nang alugin ni Aloha.

"Ako andito talaga ako pag weekends, hindi ko alam kung bakit andito si Kuya. 'Di ba?"Depensa ni Aloha sa kapatid na mukhang wala namang naririnig dahil nakakrus pa ang magkabilang braso nito.

Tiningnan niya ang kapatid at hinila papalapit sa kaniya.

"Shouldn't you leave? Wala ka namang ibang ginagawa dito. You're just loitering here. Look at all those mess. What a nuisance you are, Aloha." Preskong sagot ni habang itinuturo ang mga balat ng candy na binuksan ni Aloha kanina para kainin.

"Salbahe mo! Ano'ng leave? Aba! ikaw ang umalis. Hindi ka nga nagpaalam kay Mommy tapos dito ka pa tatambay." Banat naman ni Aloha.

"Excuse me, I basically don't need to ask Mom wherever I wanna go because I'm older than you. You're the one who should ask for Mom's permission. Atsaka, akala ko ba inutusan ka ni Mommy na asikasuhin 'yung garden. I finished the garage last week so I have no reasons not to go here. Eh ikaw?"

ಠ ͜ʖ ಠ

Pakiramdam ko ay bigla akong nagkaroon ng kapatid habang pinagmamasdan ang dalawa na nagtatalo sa harapan ko at wala manlang akong magawa para pigilan sila kahit na binging-bingi na ako sa kanila. 

Nananatili pa ring presko si Kun pero si Aloha ay parang tuluyan nang natanga na nang magmuni-muni ito sa kisame namin na para bang nagiisip ng taimtim.

Agad akong napabuntong hininga bago sila harangin na dalawa.

"Ano ba, tumigil na nga kayo. Ikaw Aloha, umuwi ka muna at tapusin mo 'yung inuutos ni Tita sa'yo. Tapos ikaw naman Kun, ang daldal mo. Wala ka namang gagawin dito, maaga pa oh. Parehas kayong umuwi at tingnan niyo nga kung anong oras pa lang! Naiistress ako sa inyo."

¯\_ಠ_ಠ_/¯

Huminga ako ng maluwag at hinila ang dalawa. Agad ko silang itinulak na dalawa papalabas ng pintuan at parehas na ngayon ay masama ang tingin sa isa't isa dahil napalayas ko din sila. 

"Kasalanan mo 'to Kuya! Kasalanan mo 'to! Ako ang original! How dare you!"

"It's your fault." Nakahawak sa sintidong sabi ni Kun bago humarap sa'kin. "Hey Ysla, I should stay—"

"Hep! Umuwi kayo parehas. PAREHAS. PA. RE. HAS. Go! Chupi!" Matigas kong sabi bago sila itulak na nang tuluyan.

Agad naman akong napaiwas ng tingin nang makita ang nagmamakaaawang mata ni Hakuna sa akin. Pero dahil desisdido talaga akong paalisin sila ay hindi na ako naawa!

Wala rin naman silang nagawa dahil alam nilang hindi ko sila papapasukin sa bahay kahit na anong gawin nila.

Sinubukan pa ng dalawa na makiusap sa akin, nagbabakasakali na mauuto nila ako pero hindi sila nagtagumpay dahil desidido talaga ako na palayasin silang dalawa. 

Go With The FlowWhere stories live. Discover now