Chapter 6: Chicken Bucket

44 2 0
                                        

Chapter 6: Chicken Bucket

—YSLA ALONZAGA—

Hindi ko maiwasang mapahawak sa ulo bago tuluyang ibagsak ang mabigat kong katawan sa malambot kong kama.

~Flashback~

"Audrick, get her some water—"

"H-hindi, okay lang ako." Alanganing sagot ko bago ngitian 'yung nakasalamin na kaibigan ata o housemate na Audrick daw pala ang pangalan.

Wala sa sariling naglanding ang mata ko sa doughnut na ibinigay ko sa kanila na ngayon ay nakapatong sa maliit na table na pinaggigitnaan namin. 

Parang kahit 'yung donut ay napepressure dahil hindi nito alam ang gagawin niya. 

Hindi ko maiswasang igala ang mata ko sa kabuuan ng unit at masasabi ko na 'yung Audrick ang may-ari talaga ng unit na 'to. Una, dahil kakaunti lang ang gamit. Bukod sa mga daily necessity at gamit sa school ay wala nang iba dito. Pangalawa, wala akong makitang gamit ni Kun dito. 

At kung nagtataka ka naman kung bakit alam ko kung ano ang gamit ni Kun at hindi. Matagal ko nang kaibigan ang kapatid nito. Matagal na din akong punta nang punta sa kanila. Hindi kami close pero alam ko naman ang sa kaniya at ang hindi. 

Wala akong ibang gamit na makita bukod sa bag nito na katabi lang niya ngayon sa upuan. 

At sa paglilibot ng mata ko sa buong unit ay natigil ang aking mata sa kaniya na deretso lang ang tingin sa akin na akalo mo naman ay interviewer na kinikilatis ang buong pagkatao ko. 

'Yan talagang sama ng loob niya ang magpapahamak sa kaniya e! Pasalamat nga ito at hindi ko siya itinuro sa kapatid niya kanina, tapos kung makatingin naman ito sa akin ngayon, akala mo ay may ginawang masama na naman ako sa kaniya. 

"Hindi naman talaga ako magtatagal dito. Alam mo na, medyo na curious lang talaga ako kasi hinahanap ka ng kaibigan ko. Pero hindi naman ako magsasalita sa kanila. Hindi naman ako mangangailam. Hindi kaya tayo close." Derederetso kong sabi sa kaharap ko para naman hindi nito isipin na ilalaglag ko ito. 

Bigla akong nakaramdam ng tension sa loob ng unit dahil wala namang nagsalita.

Masanay ka na Ysla, hindi naman kasi kayo close talaga ng kapatid ni Aloha kaya siguro naninibago ka.

Hanggang sa muntik na lang akong malaglag sa kinauupuan ko nang bigla itong magsalita.

"I don't even have a say if ever na sabihin mo sa kanila where I'm staying right now. It's up to you. We're not close anyway."

Biglang nagpantig 'yung tainga ko dahil sa narinig mula sa kaniya. Hindi ko alam kung saan sa sinabi n'ia ang mali dahil inulit niya lang naman 'yung mga sinabi ko. Kaso sa paraan ng pagkakasabi niya, hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o maaasar, o both?! 

Para maitago ang hindi ko maipaliwanag na expression ay pasimple akong kumamot sa batok bago ito ngitian ng bahagya.

Pero sa totoo lang ay gusto ko itong tadyakan dahil sa asar. Ha! Kung alam mo lang!

"Correct ka diyan!" Sabi ko na lamang bago magalangan nang saglit atsaka tumayo. "Uh, uuwi na pala ako. Business is finished. Goodbye!"

Dahil gusto ko nang umalis don ay agad ko nang isinuot ang bag at hindi na naghintay ng kung ano man mula sa dalawa dahil hello?! Uwing uwi na ako! Baka lalo lang akong mabwisit sa kaniya!

Go With The FlowWhere stories live. Discover now