Chapter 13: Self Assessment
—YSLA ALONZAGA—
"Bukas na pala 'yung birthday ni Sundae." Paalala ko kay Aloha.
Mabuti na lang at sinamahan ako ni Aloha bumili ng regalo sa District nung isang araw.
Hindi ko talaga alam kung magugustuhan ni Sun 'yung regalo ko pero mahilig kasi siya manamit kaya feeling ko oks lang sa kaniya 'yung damit.
Tsaka isa pa, appreciative naman itong si Sundae kaya for sure naman ay magugustuhan niya 'yung binili ko.
"Sabay na tayo pumunta sa kanila bukas. Kahit magkita na lang tayo half way." Suggest nito sa akin habang nakatutok ang mata sa libro niya.
Hindi ko maiwasang mapairap dahil sa sinabi nito.
"Agahan mo naman ha. Kasi, isang oras ka maligo, isang oras ka din magdamit at magmake-up kaya pakiagahan please lang."
May half way half way pa siyang nalalaman baka mamaya naman ay isang oras din akong maghintay sa kaniya sa tagal niyang gumayak.
"Handaan 'yon Ysla, natural na maaga tayo." Parang baliw na sabi nito bago humalakhak.
Sabagay, handaan nga 'yon pero wala kasi talaga akong tiwala sa mga pinagsasabi ni Aloha lalo na kapag sinabi niyang maaga siyang pupunta.
THE NEXT DAY...
Hindi ko alam kung magugulat nga ako nang maaga kaming nakaalis ni Aloha. Akala ko ay trippings lang 'yung sinabi niya kahapon na maaga ito ngayon. Ito kasi ang unang beses na nagkatotoo ang sinabi nito.
Nang makarating kami sa bahay nila Sundae ay andon na agad 'yung mga kaibigan nila ni Yiyi na taga kabilang section. Hindi ko gaano kilala ang mga ito pero namumukhaan ko naman sila.
"Happy Birthday Sun!" Sabay naming bati ni Aloha kay Sundae na sumalubong sa amin.
"Sila Taki at Xin?" Tanong ko dito.
Sa amin kasing magkakaklase ay iilan lang ang inimbitahan ni Sundae. Si Yiyi, si Taki, si Xinji, ako at si Aloha. Tapos ang iba ay 'yung mga lalaki na taga kabilang section na madalas kasama nito ni Yiyi at Sundae.
"Parating na daw. Hoy wag kayo mahihiya ah, at kayo-kayo lang naman ang bisita ko. Hindi na ako nangumbida sa iba nating kaklase kasi hindi naman karamihan 'yung niluto namin nila Mama." Sabi ni Sundae habang inaasikaso kami at pinapapasok sa bahay nila.
"Nako sakto, nagpaluto ako kay Mommy ng pasta." Banggit ni Aloha. 'Yun kasi ang dala ni Aloha ngayon.
"Hala, nagabala ka pa! Kaya nga kayo andito kasi kayo 'yung bisita tapos kayo pa ang nagdala ng pagkain."
"'Di ano ka ba. 'Yun nga lang regalo ko." -Aloha.
Nakakasabay naman ako sa daldal ni Sun at ni Aloha kaso nasobrahan ata sa daldal itong kaibigan ko at pati nanay at tatay ni Sundae ay dinaldal na niya.
Nagkataon na gusto din ng magulang niya ng bisita kaya mukhang nagkasundo sila ni Aloha.
Natural nang maingay si Aloha at natutuwa ang mga magulang ni Sundae na may ganitong kaibigan si Sun sa school. Pakiramdam ko tuloy ay gusto kong busalan ng tape ang bibig ni Aloha dahil ang dami na nitong sinasabi.
Maya maya lang din ay dumating na si Taki at Xin at mukhang mapapatagal kami dito kina Sundae.
"Oy Ysla, ang ganda talaga nung regalo mo. Nagustuhan ko nang sobra." Nagtatatalong sabi nito na para bang kinikilig pa.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
