Chapter 16: Iced Coffee In Can

36 2 0
                                        

Chapter 16: Iced Coffee In Can

—YSLA ALONZAGA—

Inis kong pinatay ang tawag ni Aloha dahil kanina pa ako rinding rindi sa boses niya.

Hindi na niya ako pinatahimik. Gusto kong mapagisip. Kung guguluhin niya ako nang guguluhin, wala akong maiisip na tama. Hindi ko masosort out 'yung mga bagay bagay sa utak ko!

Sa inis ko dahil wala lalong napasok sa kukote ko ay ipinikit ko na lang ang mata ko bago yakapin ang aking unan.

Kaso sa pagkakapikit ko ng mata ay mukha ni Kun ang nakikita ko. Kung paano ito tumingin sa akin kanina hahang nakasalamin at nakakunot pa ang noo.

"Argh! Nakakaasar!"

Napabangon na lang ako sa kama dahil wala na namang pumasok sa uula-ulaga kong utak kung hindi iyong nangyari kanina. Lalo na ang mukha niya!

Paulit-ulit lang na nagr-replay sa akin iyong bwisit na tubig na natapon dahil sa kashungaan ko.

Kasalanan din niya. Kung hindi kasi siya gwapo, edi sana ay hindi ako napapatitig sa kaniya. Edi sana hindi ko natapon 'yung mainit na tubig kanina!

Wala sa sariling sinilip kong muli ang kamay na hanggang ngayon ay may gauze pa rin. 'Yung gauze na inilagay ni Kun sa akin kanina.

"Ganito ba kiligin?"

Hindi ko na mapigilan ang matadyakan ang iba ko pang unan habang parang siraulong namumula at nakatakip ang mukha.

"A-aray." Agad akong napatigil sa pagwawala nang madali ko ang kamay ko na nabanlian.

Pero seryoso na ba talaga? Kikiligin na ako? Walanyang salamin 'yan. Napaamin ako nang wala sa oras. May pa-final final pa akong nalalaman, bibigay din naman pala ako.

Harot ko ata masyado jusko. Kalmahan mo lang sarili mo Ysla. Kapag nalaman ni Mommy 'to yari na.

Hindi ko tuloy maimagine if ever na malaman or mahalata ni Mommy 'to, baka magkwento pa si sya kay Tita. Papaano na lang pala ako kapag nalaman ng Mommy nila Aloha na may gusto ako sa pangalawang anak niya.

Jusmiyo, ano na lang ang sasabihin non sa akin. Na napakaharot kong bata. Katapusan ko na kapag nabuko na ang lahat!

Pakiramdam ko ay hindi na ako makakapunta sa bahay nila kapag nangyari 'yon. Lalayo na ako ng tirahan. Aalis na ako sa Pilipinas at hindi na ako magpapakita sa kanila!

Kasalanan kasi ni Aloha 'to. Feeling ko napush ako ng husto dahil inaasar-asar n'ya ako sa kapatid niya.

Nako, sorry talaga Hakuna. May pagtingin na ako sa'yo, sorry. Hindi ko din inasahan kaya sorry talaga nang sobra.

༼;'༎ຶ ۝ ༎ຶ༽

Hindi naman tayo close kaya walang mawawala sa akin.

Kung may mawawala man sa akin ay kahihiyan na lang siguro dahil kapag nagkabukuhan na ay wala nang matitira para sa sarili ko.

"Okay, tama na. Mababaliw na talaga ako kapag hindi ko pa 'to itinigil. Matutulog na 'ko." Parang ulagang sabi ko sa sarili habang nagpapakalma kahit na hindi ko alam kung papaano.

Go With The FlowStories to obsess over. Discover now