Chapter 14: FLAMES

29 2 0
                                        

Chapter 14: FLAMES

—YSLA ALONZAGA—

"Hakuna, gusto mo ng chix?" Wala sa sariling tanong ko dito.

Gulat ang bumalatay sa mukha ng kaibigan kong nakaupo sa harapan habang si Kun naman ay deretso pa rin sa pagmamaneho.

Nabasa ko 'yung pabulong na sabi ni Aloha na 'Ulaga ka ba?!' bago ako pagtaasan ng kilay na akala mo ay pakpak ang kilay nito na ready nang lumipad dahil sa tanong ko. 

Medyo natanga din ako sa tanong ko pero papanindigan ko na ito dahil wala na akong magagawa, ngayon pa ba ako aatras e nasabi ko na!

"What do you mean?" Tanong ni Kun.

"Chix, as in chix. Ayaw mo ba?" Paglilinaw ko pa dito at lalo lang na naguusok ang ilong ng kaibigan ko dahil sa tanong ko. 

"Why? Would you give me one?" Iisang tonong tanong ni Kun. Hindi ko mabasa anf tono nito kung interesado ba ito sa inaalok ko o sumasagot lang ito sa akin para hindi ako mapahiya sa suggestion ko. 

"Oo, magsabi ka na agad at bibigyan na kita." Pagkumbinsi ko pa dito habang itong kapatid naman n'ya na nasa unahan ay marahas na umiiling mukhang malapit nang sumabog. 

"Nah, don't need one—"

"Tama! Hindi kailangan ni Kuya ng reto!" Biglang gatong ni Aloha sa sasabihin ng kapatid.

Pasimple tuloy akong napangiwi dahil don. Mukhang ayaw ni Aloha na bigyan ng babae itong kapatid niya. Legal naman na ang edad nito.

Kung magrereto kami kay Kun ay pwede naman na. Siguro kahit nga siguro ipagpaalam ko kina Tita ang tungkol dito ay baka pumayag lang din talaga sila. 

Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw pumayag ni Aloha sa inaalok ko sa kapatid nito. 

"Ayaw mo ko magkagirlfriend?" Biglang tanong ni Hakuna sa kapatid niya na pulang pula na dahil sa kalikutan niya. 

"Hindi naman sa ganon." Biglang bawi ng bruha.

ヘ( ̄ω ̄ヘ)

"I mean, reto talaga kuya? Come on, you're better than that." 

"It's not like I have girl-friends." 

"Exactly, lalayo ka pa ba? May mga kaibigan din naman ako!"

Hindi ko maiwasang manlaki ang mata habang pinapanood ang dalawang magkapatid na magusap. 

Nakikita ko na ang kahahantungan ng suggestions nitong kaibigan ko at kinakabahan na ako habang iniisip ang mga susunod nitong sasabihin. Kung ano pa man din ang maisip na sabihin nito ni Aloha ay bigla na lang niyang sasabihin! 

"Is that fine? Someone your age? And your friend?" Paninigurado pa ni Kun sa kapatid niya dahil kanina lang ay ayaw nitong pumayag na ireto ko ang kapatid niya tapos ngayon naman ay bigla itong babanat ng ganito. 

"Ang arte mo naman, para namang iisa o dadalawang taon ka lang na mas matanda sa amin. Tsaka isa pa. Wala ka bang tiwala sa mga kaibigan ko?" 

"Are you really sure about this?" 

Wait, interesado na ba si Kun si inooffer ni Aloha?! Seryoso ba?!

Go With The FlowWhere stories live. Discover now