Chapter 18: Weekend Plans
—YSLA ALONZAGA—
"Tapos na rin!" Malakas kong sigaw habang napapapalakpak sa harap ng laptop ko.
"Akala ko nanganganak na tayo ng pages. Parang hindi natatapos." Dagdag ni Aloha na ngayon ay nakasalampak na sa sahig.
Nakahinga naman na ako ng bahagya dahil sa wakas ay tapos na kami.
Tumingin ako sa relos at doon nakitang medyo late na pala. Di bale na at wala namang pasok bukas.
"Ipasa mo na kay Taki 'yan." Nagmamadaling sabi nito sa akin kaya't umupong muli ako para ipasa na 'yung file kay Taki. Lumipas lang ang ilang saglit at tapos na lahat sa wakas!
Tapos na ang mga paghihirap ko! Pwede na kaming magsaya ulit ni Aloha.
Kaso nanlalata pa kami ngayon at nanghihina.
"10 na pala. Hindi pa tayo kumakain." Puna ko nang maramdaman na kumakalam na ang tiyan ko.
Hindi namin namalayan ang oras kakagawa ng assignment. Hindi na din tuloy kami nakakain.
"Feeling ko kumain na sila." Maluha-luhang sabi ni Aloha.
Pano e kanina pa kami tinatawag sa ibaba para kumain kaso kailangan nga naming tapusin muna 'tong ginagawa namin kaya nauna na silang kumain sa ibaba kanina.
Pinagmasdan ko ang kaibigan ko na nakatulala sa kisame habang nakahiga sa lapag na parang baliw.
Pero mukhang nagutom din si Aloha dahil tumayo na ito na para bang walang nangyari. Kaya sumunod na din ako kasi baka maghahanap siya ng pagkain sa ibaba, saktong gutom din naman ako.
Kaso pagkarating naman namin sa kusina ay wala rin kaming nahanap.
(〒﹏〒)
Walang foodssss.
Wala nang pagkain maliban sa mga chichirya at inumin. Walang totoong pagkain!
"Parang ang kapal naman ng mukha kong makibungkal sayo dito." Kakamot kamot sa uling banggit ko sa kaibigan kong hinang hinang nakatingin sa ref.
"Para ka namang others kung ganon."
"You two look like scavengers."
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang may biglang nagsalita. Jusko po. Jusko po-gi. Hehe.
Wag maharot, unahin ang sigaw ng tiyan bago ang sigaw ng puso. Gutom ka Ysla, diba?
Gutom ang unahin, tsaka na ang kilig.
"Walang pagkain?" Dismayadong tanong ni Aloha sa kapatid habang nakanguso pa.
"None." Pagak na sagot nito dahilan para bumagsak nang sabay ang balikat naming dalawa ni Aloha. "Get my keys, bibili tayo ng pagkain."
At dahil sa sinabi nito ay agad kaming napatakbo para kuhanin ang susi ng kotse at magderetso sa garahe.
。。。
"You like mint chocolate?"
Agad akong nagangat nang tingin kay Kun dahil sa tanong nito. Ako ba kausap nito?
Tungeks oo, ako lang naman ang naka Mint Chocolate sa aming tatlo e.
Bumili kaming tatlo ng ice cream matapos naming bumili ng pagkain dahil magluluto na lang daw sa bahay.
Mabuti nga at may nahanap pa kaming bukas na grocery ng ganitong oras. Kung hindi, gutom ang aabutin naming dalawa ni Aloha.
Tumango ako dito bago sumubo ng ice cream.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
