Chapter 12: Do You Ever...

28 2 0
                                        

Chapter 12: Do You Ever...

—YSLA ALONZAGA—

"Mabuti na lang talaga considerate si Ma'am Cornejo. 'Yun na lang ata 'yung lecturer natin na nakakaintindi sa estudyante." Hinag hina kong sabi bago sumandal sa upuan at napapahawak pa sa sintido dahil sa hilo. 

"Correct ka d'yan. Malas nga lang natin sa ibang subject teacher natin." Pagsegunda ng kaibigan ko. 

"Atleast, mataas magbigay ng grades sa end of the quarter." 

"Yun nga lang patay patay talaga tayo sa dami ng pinapagawa." Tinatamad na sagot nito bago sumimsim sa iniinom n'yang fruit tea.

Syempre, saan pa ba ang deretso namin kundi sa coffee shop lang din naman dahil gusto namin mag UNWIND. You hear that? UNWIND. Naka all caps pa.

Hindi ko kinakaya ang dami ng mga gawain na ibinabagsak sa amin lagi. Mabuti na lang talaga at parehas kami ni Aloha na nagdudusa. At least diba, may kasama na ako, may katulong pa ako. 

Napainom na lang ako sa inorder kong kape bago humarap dito. 

"Tara na sa inyo." Pagaaya ko dito habang umiinom ng kape. "Dun na tayo tumambay."

"Ih, sa inyo na lang tayo." 

"Wala naman tayong gagawin sa'min. Boring don." 

Dahil totoo naman. Wala namang mapapala sa amin. Tsaka isa pa, wala si Mommy don so paniguradong maboboring lang din kami sa bahay. 

"Nasa bahay kasi si Kuya ngayon. Alam mo naman 'yon. KJ." Nakasimangot na sabi nito. 

"Hindi naman tayo nalabas ng kwarto mo e." Paliwanag ko dito pero ganon na lang ang gulat ko nang bigla nitong iharang ang palad niya sa mukha ko.

"Teka nga. Nung nakaraan ka pa aya nang aya na dun na lang tayo sa amin tumambay. Umamin ka nga, ano'ng meron." Wala sa sariling napalayo ako sa kaniya dahil sa sinabi nito.

Teka nga, ano na namang iniisip nito? Mamaya ay kung ano ano na naman ang napasok sa kukote nito! Ibang klase pa naman ang imagination ng isang ito!

"Huh? Ano'ng 'ano'ng meron?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi nito.

Lumapit ito ng bahagya sa akin habang nakakunot ang noo at pinanliliitan pa ako ng mata. 

"May ginawa ka bang kasalanan?" At dahil sa sinabi niya ay agad akong napalayo sa kaniya. 

"Ako?! May kasalanan? Ano na namang ginawa ko?" 

"Aba hindi ko alam sa'yo. Ilang araw ka na kasing sa amin lang nagyayaya. Mamaya pala may ginawa ka sa inyo kaya sa amin ka natambay." Nakangiwing sagot nito dahilan para manliit ang mga mata ko.

"Lawak ng imagination mo." 

Kahit kailan talaga. Hindi ko alam kung paano ba tumatakbo ang utak ng isang ito. Igaya naman niya ako sa kaniya. Wala naman akong dahilan para maglayas sa amin kaya malabo ang sinasabi nito na may ginawa ako sa amin. 

"Hoy Ysla, hindi malabo!" Paggigiit pa nito na ikinailing ko na lang.

"Ang dami mong alam." Tanging sabi ko na lang dahil hanggang mamaya niya talaga ipaggigiitan na may ginawa akong kalokohan kaya hindi ako nagaaya na sa amin tumambay. 

In the end, wala naman siyang nakuhang sagot sa akin dahil wala naman talaga akong isasagot sa kaniya. Wala din naman siyang nagawa dahil sa kanila pa rin ang deretso namin ngayon.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now