Chapter 17: Sleep Over
—YSLA ALONZAGA—
"Wala pa rin tayong kuryente?"
"Tumawag naman na ako sa mga electrician e. Paparating na daw. Kanina pa."
Napangiwi na lang ako sa asar dahil sa sinabi ni Mommy.
Sabi ko na nga ba matatagalan pa bago ayusin itong kuryente namin. Kahit ata dunating ngayon ang mga electrician para ayusin ang linya ng kuryente namin ay hindi pa rin kami magkakasupply ngayong gabi.
"Kainis naman e. Lowbatt ang phone at ipad, walang aircon, wala ring wifi. Ano bang balak hintayin ng mga 'yon? Kidlatan ulit tayo?" Napapakamot sa ulong tanong ko habang napapapdyak pa sa sofa.
Hindi pa gaanong mabanas ngayon dahil hapon na pero paano mamayang gabi. Ang hirap pa man ding matulog nang kahit walang electric fan.
"Nako, kahit mayamot ka. Mukhang matatagalan pa ng ayos d'yan." Nababagot na sabi ni Mommy habang nagpapaypay.
Hindi ko na napigilan ang inis at marahas na ginulo-gulo ang buhok.
Inihiga ko ang ulo sa head rest ng coach bago lumingon sa kaibigan ko pero bigla na lang tumambad sa akin ang mukha ni Aloha na nakangiti nang abot langit na para bang may binabalak ito na kung ano.
"Tita, dun kaya muna sa amin si Ysla." Agad akong napaayos ng tindig dahil sa sinabi nito.
"Oo nga ano." Pagsang ayon ni Mommy. Teka wait, ano daw?
Wala sa sariling pinagkatitigan ko ang dalawa na naguusap.
Seryoso sila at hundi mo makikitaan ng biro si Mommy sa sagot nito sa suggestion ng kaibigan ko.
Ni hindi manlang ito nagdalawang isip!
"Kasi baka mapabayaan po ni Ysla ang pagaaral niya kapag walang kuryente. Katulad kanina, nalate siya sa school. Paano kung ibaba ng lecturer namin ang grades niya, tapos syempre mahihirapan siyang humabol, e senior high pa man din kami at college na next year, paano kung bumagsak siya at hindi siya tanggapin ng kahit na anong University, tapos hindi siya makakapagtapos ng pagaaral, tapos hindi siya makakapagtrabaho, tapos wala siyang pagkukuhanan ng pera, magugutom siya, tapos magmumukha na siyang chaka at kawawa, tapos dahil pangit na siya, hindi siya makakapagasawa! At kapag hindi siya nakapagasawa, tatanda siyang dalaga! Kaya tita, pagisipan niyo ang magiging kalagayan ni Ysla kung magtitiis na lang siya na walang kuryente. Mabuting sa amin muna talaga siya."
Nanlaglag ang bibig ko dahil sa dere-deretsong sabi ni Aloha kay Mommy na mukhang napaisip nga sa sinabi ng kaibigan ko.
Hindi ko na halos naintindihan ang mga sinabi ni Aloha kanina dahil daig pa nito ang rapper sa bilis magsalita.
At kahit naman maintindihan ko ang lahat ng sinabi niya ay puro naman ito kalokohan!
"Nako, Ysla. Magimpake ka na, ngayon din. Magchachat na ako sa kanila at sasabihing doon ka muna."
,,ԾㅂԾ,,
WHAT?! Bakit bigla na lang akong pinalalayas sa amin. At ngayon naman ay sa kanila muna ako titira? Ano ba namang klaseng timing to?!
"Tita, wag kayong magalala. Kapag walang napangasawa 'tong kaibigan ko, pwedeng pwede 'yung kapatid ko."
"Hoy Aloha!" Saway ko dito dahil kung ano-ano na naman ang pinagsasabi nito!
Isa pa to si Mommy, hindi ko din maintindihan ang takbo ng utak. Nagkakahawaan na sila ni Aloha. Parehas na sila ni Aloha!
"Sino sa kapatid mo?"
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
