Chapter 10: Take Out

25 3 0
                                        

Chapter 10: Take Out

—YSLA ALONZAGA—

"Ang dami naman atang pagkain." Puna ko sa dalawa na naghain ng sangkatutak na pagkain sa mesa. Ang dami ngang pagkain, puros naman mga order. Pakiramdam ko ay malulula ako sa dami ng nakahain dahil tatatlo lang naman kaming kakain noon.

Kung alam lang ni Aloha at Tita kung anong klase ng mga pagkain ang kinakain ni Kun ngayon ay baka mabuntal nila ito ngayon. Nagluluto pa nga si Tita sa kanila tapos ito namang isa ay sa order na lang ata bubuhayin ang sarili niya.

"Kaya naman nating ubusin 'yan." Nakangiting sabi ni Audrick sa akin na ikinailing ko na lang dahil kahit ata abutin kami ng dalawang oras sa pagkain ay hindi pa rin namin mauubos ang mga pagkaing binili nila.

"Go eat." Alok ni Kun sa akin habang inaalok palapit sa akin 'yung box ng fried chicken.

Kumuha na ako doon ng kahit ano basta hindi 'yung wing part dahil baka lumabas na naman is Anger kapag 'yun ang nakuha ko. Bumabait na nga ng very very slight ang taong ito kay hindi na ako gagawa ng kung ano mang ikakagalit pa niya.

Mahirap na naman at baka mawindang na naman ang buhay ko kapag ginalit ko ito.

Matapos ng project namin ay dumeretso na agad ako sa unit ni Audrick kung saan naabutan ko din doon si Kun.

Actually, ang balak ko lang naman talaga ay dumaan dito para tanungin si Kun about doon sa librong hinahanap niya sa library kanina. Hindi ko naman alam na nakabili na pala ng sangkatutak na pagkain ang mga 'to dahil dito nila ako pakakainin.

"Nga pala." Pauna ko tsaka sumubo ng fries. "Ano'ng libro pala 'yung kailangan mo?" Tanong ko kay Kun na naghahati ng pizza.

Bigla itong natigilan sa ginagawa bago ako bigyan ng 'why do you need it?' look.

"Why? Do you need it or something?"

Umiling ako dito bago kumain ng fries.

"Wala naman, sisimplehan ko lang 'yung kapatid mo. Baka maipuslit ko lang." Sagot ko dito.

Baka kasi kailangan pala talaga niya 'yung libro tapos baka kapag nagtry ako, makuha ko pa 'yung libro sa bahay nila.

"Nah, you don't have to." Sagot niya bago kami ipagsalin nito ng coke sa baso.

Muntik pa akong mabulunan habang tinitingnan siya sa ginagawa niya dahil hindi ko inaasahan na ipagsasalin pa kami nito ng inumin. Mabuti na lang at nakuha ko agad 'yung

"Wala kang bilib sa'kin. Pag lang nadala ko 'yon sa'yo. May utang ka sa akin." Matapang kong sabi bago magtuloy ng pagkain.

"Madalas ka ba sa kanila?" Tanong naman sa akin ni Audrick na kumakain din.

"Oo, pero 'yung kapatid niya talaga 'yung kaibigan ko kaya andon lang ako sa kwarto ng kapatid niya." Sagot ko dito bago kumagat ng pizza dahil gutom na gutom na din talaga ako. Hindi na ako magpapabebe.

Humarap itong si Audrick kay Kun habang nakakunot ang noo at mukhang naguguluhan.

"Si Ysla lang ba nakakaalam na dito ka nagsstay sa unit ko?" Tanong ni Audrick kay Kun. Kaya tumigil muna si Kun sa pagkain bago ito sagutin.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now