Chapter 26: Boys Talk

21 3 0
                                        

Chapter 26: Boys Talk

-YSLA ALONZAGA-

Makailang beses akong nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng kwarto lalo pa nang maalala ko ang text ni Kun.

Parating na raw siya.

After ko kasi imarinate ang kilig na nararamdaman ko kagabi ay sinabi ko na agad kay Mommy at Daddy na dito magdidinner si Kun sa amin.

Syempre dahil nga mas maharot pa si Mommy sa akin at gustong gusto niya talaga ang mga kapatid ni Aloha, kahit hindi ko pa natatapos 'yung sasabihin ko ay pumayag na agad si Mommy.

Actually, pangalan pa nga lang ni Hakuna ang nababanggit ko ay pumayag na ito agad at hindi na nagdalawang isip pa.

Muli ay tiningnan ko ang phone ko at napakagat pa ako sa pang ibabang labi ko habang pinagmamasdan 'yung message sa akin ni Kun 15 minutes ago na papunta na siya---

*DING! *DONG!* *DING!* *DONG!*

Bakit naman parang ang bilis niya?!

Mas mabilis pa sa alas kwatro nang lumipad ako mula sa kwarto patungong sala pero naunahan pa rin ako ni Mommy sa pagbubukas ng pintuan.

Malaki pa ata sa plato namin ang ngiti ni Mommy kay Kun na alam mo namang may ibigsabihin at parang ako pa ang mas kinakabahan kaysa dito kay Hakuna!

"Nako Hijo, pasok ka! Nabanggit nga sa amin ni Ysla na dito ka magdidinner." Deredertsong sabi ni Mommy habang pinapapasok sa loob ng bahay si Kun at parang salesclerk na hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Mas lalo lang akong pinangunahan ng kaba nang makita ang tingin ni Kun sa akin.

Pakiramdam ko ay lumulutang ako at para bang wala ako sa sarili dahil ito ang kaunahang beses na pumunta dito si Kun sa amin. At isa pa, hindi naman nito kasama si Aloha ngayon kaya mas lalo lang nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko.

"Ah Tita, I brought some desserts. I know you all like cake." Banggit ni Kun at napatingin na lang ako sa kamay nito na may hawak na box ng cake.

"Nagabala ka pa! Kaya ka nga naandito dahil ikaw ang kakain."

"It's a pleasure to join you for dinner Tita, pero Mom will beat me to death kung pupunta po ako dito nang walang dala."

Magtatawanan pa sana silang dalawa nang bigla na lang nila akong nakitang dalawa na nakanganga at titig na titig sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko nang makita ang pasimpleng pagngiti ni Hakuna sa akin kasabay nang pagtaas ng dalawa nitong kilay na akala mo ay wala ang nanay ko sa harap nito para harot-harutin niya na lang ako ng ganito.

"U-uy, pogi."

ರ_ರ

Bigla akong naubusan nang dugo nang bigla kong marealize ang nasabi ko.

"I mean, pumasok ka na. Nagugutom na ako." Pasimple kong sabi bago mauna sa kusina dahil gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa sinabi ko.

Nakakaasar. Palagi na lang akong wala sa sarili. Mabuti pa noon, hindi naman ako nabobother. Bakit ngayon, nahihiya ako.

"Tatawagin ko lang ang Daddy mo. Mauna na kayo sa kusina." Sabi ni Mommy sa aming dalawa bago kami iwang dalawa ni Kun.

Agad ko siyang naramdaman mula sa likod ko kaya't sinikap ko na wag muna itong lingunin pero halos manlamig ako nang siya na mismo ang sumilip mula sa gilid ko.

"Why do I miss you?"

(。ノω\。)

Hindi ko alam kung seryoso ba ito sa tanong niya o nangaasar lang ito at hinuhuli ang reaksyon ko!

Go With The FlowWhere stories live. Discover now