Chapter 24: A Dinner Talk

17 2 0
                                        

Chapter 24: A Dinner Talk

—YSLA ALONZAGA—

"Why are you just staring at the food?" Tanong ni Hakuna.

Agad kong naipikit ang mata dahil sa kaniya.

"Paano ako kakain, nakatingin ka lang sa akin." Sagot ko sa kaniya bago ito samaan ng tingin.

Sige nga! Paano naman ako kakain diba kung sa akin lang din ito nakatingin. Syempre nakakailang 'yon.

ಠ◡ಠ

Malapit-lapit na din sa akin 'tong taong 'to e.

Matapos kasi ako nitong dukutin at dalhin sa kung saan man para kumain ay ganiyan na siya, kanina pa ako tinitingnan.

Ni hindi nga ito nagsasalita kanina sa sasakyan buong magdamag, at hindi rin naman ako makapagsalita dahil seryoso ang tingin nito kanina pa.

Hindi ako nito pinansin kaya't sinubukan ko na lang na kumain pero aksidente akong napatingin sa kaniya kaya hindi ko na naituloy ang pagsubo ng pagkain dahil sa tingin nito.

"Dudukutin ko 'yang mata mo." Pagbabanta ko dito pero nagmake face lang siya at ginaya pa ako.

"Just eat." Prente niyang sabi habang kumakain ng fries at nakasimangot pa sa akin.

"Sige nga, paano ba ako kakain e nakatingin ka nga sa akin." Reklamo ko dahil hindi talaga ito nakikinig.

"Then stare at me, kakain lang ako."

Napakagat na lang ako sa labi habang pinipigilan ang panggigigil ko dito. Nalimutan ko na madalas nga palang nakakagigil itong si Hakuna.

Narinig kong bumuntong hininga ito bago damputin ang kutsara at tinidor niya.

"Fine, I'll eat with you."

Kung kanina ay kinakabahan ako, ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Medyo nga lang.

Isipin mo naman kasi, isang linggo ko itong tinaguan tapos ngayon naman ay na-kidnap pa rin ako nito at dinala kung saan.

Baka mamaya ay magtanong pa ito nang tungkol sa---

"Why aren't you coming at the house like you used to before."

Agad kong naramdaman ang pagpunta sa ilong ng nilunok kong tubig!

Napaubo na lang ako dahil ang hapdi ng ilong ko!

Sobra pa akong nataranta nang bigla nitong punasan ang mukha ko ng panyo na hawak niya na hindi ko naman alam kung saan nanggaling.

Bakit ba lagi na lang itong may dalang panyo.

"Why are you so tensed? I'm just asking cause it's true. You're not stopping by our house after you confessed." Sabi nito habang kunot ang noo na nakaharap sa akin.

Napaka naman nito ni Hakuna. Hind ba understandable naman ang reaction ko towards sa kaniya. Gusto ko nga siya e diba. Tapos tatanungin niya ako kung bakit hindi na ako napunta sa kanila.

Syempre awkward! Lalo pa at hindi ko mawari 'yung reaction niya matapos kong sabihin 'yon.

"Syempre." Tipid kong sagot dito pero itinaas lang niya ang parehas na kilay sa akin.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now