Chapter 22: Grab The Chance
—YSLA ALONZAGA—
"Sanaol nalipad."
"Ha?"
"Sanaol kako nalipad." Paguulit pa ni Aloha na siyang nagpakunot sa noo ko.
"Nalipad ang?"
Kung ano ano na naman ang pinagsasabi niya.
"Utak. Anlayo na oh. Ayun na, wala na. Tinakasan ka na." Nakangiting sabi niya na parang baliw pa na may tinuturo-turo sa imaginary utak ko raw na lumipad na.
Hindi naman ako makaangal sa kaniya dahil totoo namng lutang ako. Simula pa kaninang umaga ay sabog na sabog na ata ako kakaisip sa mga tama at maling desisyon ko sa buhay.
"Hindi kita mareach, ano na ba, bakit parang problemado ka masyado. Tapos naman na ang exam." Puna nito sa akin.
Hindi ko na naiwasan ang mapabuntong hininga dahil sa sinabi nito. Wala pa rin naman ako sa huwisyo pero umupo ako ng maayos bago taas noong humarap sa kaniya na akala mo ay sigurado na ako sa gagawin ko.
Well, more than 100 times ko na atang inulit-ulit sa sarili ko kung tama ba ang gagawin ko o hindi. At sure na nga ako.
"Aamin na ako sa kapatid mo." Deretso kong sabi sa kaibigan ko.
Nakita ko kung paano ito mapatigil sa paggalaw at para bang dinidigest pa ng ayos ang sinabi ko dahil parang hindi nito naintindihan ang sinabi ko.
Hanggang sa nagulat na lang ako nang bigla na lang itong tumayo mula sa kinauupuan niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Seryoso ka ba?"
Agad akong napahilamos sa mukha gamit ang dalawang palad ko dahil naguguluhan din ako sa mga pinagggagawa ko sa buhay.
"Hindi ko din sigurado. Nagdadalawang isip nga ako." Pagamin ko dito.
Sigurado naman na ako. Pinanghihinaan lang talaga ako ng loob at kailangan ko ng konting push mula kay Aloha.
"Tange! Bakit ka pa magdadalawang isip. Kung nagbabalak ka na, edi sabihin mo na! Kasi kung nagcross na sa utak mo na 'what if umamin na kaya ako.' ibigsabihin lang non may plano ka na talagang umamin, pinipigilan mo lang 'yung sarili mo kasi wala pang nagpupush sayo." Mahaba nitong litanya.
Napunto naman agad ni Aloha kung ano ang gusto kong mangyari. Konti na nga lang ay iisipin ko na magkakabit nga ang utak naming dalawa dahil parehas lang kami ng iniisip nito.
Agad na nagpakawala akong ng malalim na buntong hininga bago likutin ang phone na nakapatong sa canteen table.
"Sa totoo lang, wala naman akong pakialam talaga kung i-reject niya man ako since crush ko pa lang naman talaga siya. Kaso syempre inaalala ko din na magkaibigan tayo tapos kapatid mo siya—"
"Pashnea! Walang kapatid-kapatid! Kung gusto mo si Kuya, umamin ka. Atsaka sa tingin mo ba, kung hindi kita gusto para kay Kuya, ip-push ba kita sa kaniya? Na sayo ang lahat ng suporta at boto ko kaya kahit ano pang response ni Kuya, wala akong pakialam."
Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya pero gusto ko sana itong batukan dahil parang hindi niya kapatid si Kun kung ibenta niya ito sa akin.
Tsaka isa pa. Bukod sa kaibigan ko si Aloha, naguumpisa na din kaming maging close ni Kun ngayon. Baka mamaya maging dahilan pa 'yung pagamin ko sa kaniya para iwasan ako nito.
"Seryoso, Ysla. Kung nagbabalak ka nang magsabi kay Kuya, magsabi ka na. Alam kong gasgas na line na 'to pero mas better pakinggan 'yung 'at least umamin ako' kaysa sa 'sana pala umamin ako'."
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
