Chapter 11: Family Dinner

33 2 0
                                        

Chapter 11: Family Dinner

—YSLA ALONZAGA—

"Ysla, bangon na. Baka ang Lolo mo na ang gumising sa'yo."

"Wala na nga si Lolo, Mommy."

"Ay oo nga wala na. Siya bangon na d'yan."

Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo dahil kay Mommy. Lagi na lang ginugulo si Lolo. Pag 'yung tao bumangon uli, sinasabi ko sa inyo. 

Morning routine, magtitiklop ng hinigaan tapos maghihilamos tas magsisipilyo. Feeling may morning routine kahit na dugyutin naman.

Dumeretso na lang ako sa kusina para kumain dahil naaamoy ko na ang luto ni Mommy.

"Mommy, dun daw ako mamaya kina Aloha mag dinner. Baka malate ako ng konti paguwi." Paalam ko kay Mommy habang deretso pa din sa pagkain.

Pakiramdam ko nga ay nagkapalit kami ni Aloha ng bahay na tinutuluyan dahil madalas siya dito sa amin habang ako naman ay madalas na nasa kanila. 

"Basta sabihin mo, ipaguuwi mo ako." Hirit ni Mommy. 

"Ehhh? Ipinagbabalot ka naman talaga ni Tita kahit hindi ko na sabihin na ipaguuwi kita." 

"Okay, pero pag late na masyado, magpahatid ka na sa kanila." Sabi ni Mommy sa akin habang nagaayos ng lababo.

So kanino ako magpapahatid. Ayoko don sa panganay nila. Uuwi na lang akok ng maaga. 

'Yun ay kung pauuwiin nila ako ng maaga. Mas pipiliin pa nila Tita na ihatid ako kaysa pauwiin ako ng maaga. 

(─.─||)

And so, the day went on. Hapon pa lang, pumunta na ako agad kina Aloha dahil maaga siyang nagtext na dun daw muna ako.

"Birthday daw ni Sundae sa isang linggo. Gusto daw nung mama niya na may konting bisita." Banggit ko kay Aloha na katabi ko sa kama habang nakahiga at tutok na tutok ang mata sa TV.

Nasabihan ako ni Sundae; kaklase namin na kaibigan ni Yiyi

"Hala handaan. Game ako HAHAHAHAHA."

Bigla na lang akong napatakip sa tainga dahil sa sigaw nito. Hindi ko maiwasang mapaisip kung lumunok ba 'to ng 30 watts na amplifier o ng microphone.

"Anong regalo mo? Hindi ko alam bet ni Sundae e." Tanong ko dito.

"Pagkain? Papaluto na lang ako kay Mommy." 

"Samahan mo kaya ako bukas, sa District na lang ako bibili." Aya ko sa kaniya dahil wala akong ibang alam na maireregalo ko sa kaniya. 

Appreciative naman si Sundae kaya sa palagay ko ay magugustuhan niya kahit anong regalo. 'Yun nga lang wala pa akong plano at options sa kung ano ba talaga ang ipangreregalo ko sa kaniya.

"Excuse mo lang talaga 'yon para gumala e." Nakangiting sabi nito na nginiwian ko lang. 

"Mukha mo. Baka ikaw 'yon."

"Korek ka diyan! Tara na nga sa baba, silipin natin si Mommy." Aya nito sa akin bago pagpagan ang kama at patayin ang TV.

Kapal ng mukha ko noe, feeling anak din. Nakikihiga sa kama nang may kama. 

Go With The FlowStories to obsess over. Discover now