CHAPTER XXVI

1.3K 22 5
                                    

TAPING ngayon ni Sharmagne para saepisode ng SGL sa susunod na linggo. Pinayuhan siya ng kanyang doctor na ipahinga na muna ang sama ng kanyang pakiramdam upang hindi na lumala pa. Kaya't hindi siya maaring magtrabaho para sa araw na ng linggo kung kailan dapat na live ang kanyang show.  

Ngunit bawi naman sa mga fans sapagkat special guest niya si Mark Lloyd. Marami na rin ang nagrerequest na i-guest niya sa kanyang show ang binata. At pinaunlakan na rin iyon ng kanyang kaibigan at siyang dating ka-loveteam.  

Ngayon nga ay malapit ng matapos ang one on one interview niya kasama ang aktor.  

"Ito! Dalhin na natin sa What Love Is..." anang binata habang iniaabot sa kanya ang mini poster ng isa sa kanyang mga naging show. Bawat poster na nasa tig-isang mesa sa hanay nilang dalawa ay may kani-kanilang mga movies at show na naglalaman ng katanungan bawat isa. 

"Ako ba? Okay," Kinuha na niya ang poster sa lalaki at binasa. "Paano mo nalalaman..." Napahinto pa siya at napangiti pagkabasa sa ilang words mula sa tanong. "Uy! Paano mo nalalaman 'pag in love ka na. Ano 'yong mga signs?" Nangingiti niyang baling sa lalaki. 

"Signs..." ani Mark Lloyd. 

"Do you believe in signs?" Tanong niya. 

Bagaman scripted ang ilang palitan nila ng katanungan ay tila mas marami pa rin ang kani-kanilang mga spiel. At spontaneous rin ang reaksyon ng isa't isa.  

"Mas naniniwala ako doon sa feelings, 'yong nabibigay na- kung paano nag-iiba 'yong damdamin mo towards that person." Seryosong sagot ni Mark Lloyd. "Saka kung- naniniwala ako na it is love kapag ka 'yong kaya mo siyang panindigan." 

Kasabay ang tilian ng mga manonood ay tumayo pa si Mark Lloyd at umarte na tila nakapagbigkas ng isang pick-up line. "Boom!" 

Siya naman ay walang ibang nagawa kundi magkunwaring na-pa-stroke sapagkat tinamaan siya sa sinabi ng binata. At sa puso niya ay sumasang-ayon siya sa kaibigan. "Tama naman 'yan." sabi na lamang niya. 

May ilang katanungan pa siya sa binata at ito man sa kanya hanggang matapos na nila ang interview na animo naging bukingan portion na rin para sa kanilang dalawa. Nagagalak siyang makita na ang mga fans niya- bagaman magkakaiba ng sinusuportahang kaloveteam niya ay may pagkakasundo-sundo ang mga ito. Magaling pa rin siyang magpanggap sapagkat pinilit niyang huwag magpahalata na kinikilig siya. Ngunit ang kaligayahan sa kanyang mukha ay hindi na maitatanggi pa. 

"GOODNIGHT Popsters! Good night po!" Masayang paalam ni Sharmagne sa lahat ng mga live audience ng SGL sa gabing iyon. Kumakaway pa siya at nakikipagbeso-beso sa ilang mga fans na nagabot ng mga bulaklak sa kanya.  

Nang pababa na siya ng stage ay si Mark Lloyd ang umalalay sa kanya. "O, nandito ka pa?" Ang alam niya kasi ay may hahabulin pang meeting ito kasunod ng show niya kaya't nagtataka siya na makita pa ito roon na tinapos ang huling performance niya para sa gabi. 

"Papaalam lang ako. Send my regards to Gerson," nanunudyo ang ngiti nito sabay tingin sadireksyon ng director's booth. 

"Sira ka." natatawang sita niya rito.  

"I know." Nakangiting wika naman ni Mark Lloyd saka bumeso na sa kanya at tuluyan ng umalis. 

Pasimple rin siyang tumingin sa gawi ng director's booth kung saan naroon ang lalaki na kanina pa pasimpleng itinutukso sa kanya ni Mark Lloyd kahit nasa kalagitnaan sila ng pag-ta-taping; si Gerson. 

Si Mark Lloyd ay hindi na niya mapigilan nang lantaran nitong ginaya ang acting ni Gerson sa teleserye noon ng ikalawa: ang Budoy. Tawanan at hiyawan ang lahat ng mga fans at manonood na nasa loob ng studio kanina. Makikita sa mga mukha ng mga ito ang kilig sapagkat hindi na kailangan pa ng malawak na paliwanag kung sino ang tinutudyo sa kanya ng kaibigang aktor.  

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon