CHAPTER II

2.5K 23 19
                                        

“SINO ba kasi talaga makakapartner ko dito?”

            Wala pa rin ideya si Sharmagne kung sinong aktor ang makakapareha niya sa TVC na gagawin nila para sa isang toothpaste company.

            Alam niyang kilala na ito ng manager niya at ng Tita Demi niya. Pero ayaw pa rin sabihin ng mga ito. Nais lamang naman niyang makapaghanda kung anong klase ng lalaki ang ipapareha na naman sa kanya.

“That’s for me to know and for you to find out.” Malanding ngumiti sa kanya si Ryan.

“Siguro crush mo ‘yon ‘no? Umamin ka.” Pangungulit niya pa rin sa kaibigan.

“Sharshar, ‘wag makulit. I’m your manager and i have the right to remain silent.” taas-kilay na sabi nito sa kanya saka animo nangangasim na hind maintindihan ang ekspresyon ng mukha nito.

“Wala naman masama kung sasabihin mo na ngayon ‘di ba?” nagpaawa pa siya ng mukha upang maantig ang puso nito at ibuka na ang bibig at ichika sa kanya kung sino ang makakapareha niya sa patalastas.

“Hm. Ano na naman yan ha? Alam mo naman na lalaki lang ang makakapagpaandar sa akin ng mga ganyang paawa epek, ineng. Hm.”

“Sabihin mo na kasi...”

Nagkibit balikat lamang si Ryan. “Let’s just wait for him. Parating na raw.”

Lumabi na lamang siya. Mukhang hindi niya mapipilit ang kaibigan. Ipinagtataka niya kung bakit hindi nito sinasabi kung sino ang aktor na makakatambal niya. Samantalang nakagawian na nito na ipaalam sa kanya ang bawat transaksyon na ginagawa nito para sa karera niya. Marahil ay bumabago ito ng estilo. Maybe he was challenging her professionalism? She can only guess.

Naroon kanina sa loob ng conference room si Becky Hernandez. Kilalang manager ito at marami na itong napasikat na artista. Marahil ito ang may hawak sa makakatambal niya para sa TVC. Hindi naman niya kabisado kung sino-sino ang mga hina-handle nito kaya’t hindi rin niya mahulaan kung sino ang ipapareha sa kanya. Lumabas ito trenta minutos na ang nakalilipas.

            Hinipan niya ang bangs na humaharang sa kanyang mga mata. Inip na inip na siya. Mahigit isang oras na silang nasa loob ng conference room. Sana pala ay umidlip na lamang muna siya.

            Inabutan siya ni Tita Demi ng biskwit. Umiling siya. Kanina pang pagdating nila ay pulos mga biskwit lang ang pinapakain nito sa kanya samantalang may mga doughnuts at cakes naman na nakahain para sa kanila. Bawal raw sa kanya ang matamis para sa araw na iyon. One of her auntie’s singing regime for her.

Pumangalumbaba siya. Siya namang pagtapik ni Tita Demi sa braso niya sabay tingin ng masama sa kanya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang braso. Nagkatinginan na lamang sila ni Ryan. Alanganing ngumiti ito sa kanya.

Mas lalo siya nakaramdam ng inis para sa aktor na hindi pa nalalaman kung sino. Kung sino man siyang artista siya eh napaka-unprofessional niya! Aniya sa kanyang isip. Kalalaking tao nito ay ito pa ang nahuli sa meeting na iyon. Siguro naman ay alam na nito na may nakalaan itong rendezvous para sa umagang iyon.

Pumasok ng silid si Becky Hernandez at lumapit sa side nila sa mahabang lamesa. “Hi. I’m really sorry for the delay. Parating na siya. Medyo natraffic lang kasi.” paumanhin nito.

“Saan ho ba galing ang alaga ninyo? Mindanao?” Pamilosopong tanong ng tiyahin niya sa babae. Marahil naiinis na rin ito sa tagal ng kanilang paghihintay roon.

Tarantang tumayo si Ryan at nilapitan si Becky. “Ah, eh. That’s okay Ms. Becky. We can still wait. Saan na raw ba siya?”

Doon biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang pinakahuling lalaki na gugustuhin niyang makatrabaho.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon