CHAPTER XXIV

2.3K 46 33
                                    

A/N: Ang hirap ng chapter na ito. Hindi ko maimagine si Sa at Ge na gagawin ito ng hindi pa kasal. Haha! Masyado silang matino eh. Plus, wholesome ako eh. Hahaha! Pero diba nga ay may pagbabago rin dapat. Fiction nga eh. Dumugo utak ko. OA? Haha! Sana nabigyan ko ng katarungan ang napakatinong imahe ng ating mga bida sa tunay na buhay. Haaayyy... Pag-ibig. Ha-ha!

HABANG nasa biyahe ay pasulyap-sulyap si Gerson kay Sharmagne. Umuungot ito na inaantok na raw at nahihilo at nasusuka. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi naman nito ginawa. Paulit-ulit rin nitong tinanong kung sino ang babae na nakita nitong kausap niya sa bar kanina. Masyado itong matapat sa nararamdaman ngayong gabi sapagkat ilang beses nitong sinabi na nagselos ito. Na ayaw raw nito na ‘nakikipagjondian’ pa siya sa iba. Dapat raw ay dito lamang. Opo lamang siya ng opo. Kakatwang nasisiyahan naman siya sa katapatan nito. Bukas kaya ay maalala pa nito ang mga pinagsasabi sa kanya? He can only guess.

“Parang hindi naman dito pauwi sa bahay ko eh,” ngayon lamang pala nito napansin iyon. Kung kailan malapit na sila sa kanyang bahay.

“Ryan told me not to bring you home tonight, sweetie.”

Lumukot ang mukha nito.

Kinabahala niya ang reaksyon nito. “Are you mad?”

Umirap ito. “Dadalhin mo ba ‘ko sa bahay mo?”

“Sana.” Napalunok siya. “But I’ll take you home if you want to.” alanganing sabi niya. Ayaw niyang pag-isipan nito ng masama ang pagmamagandang-loob niya.

Umirap ito. “Malapit na tayo’di ba? Hayaan mo na. ‘Saka ayaw ko pa rin naman umuwi. Hmp!”

He can’t helped but smiled. Kung hindi lamang siya nasa kalagitnaan ng pagmamaneho ay niyakap na niya ito at pinupog ng halik. Napakacute nito. Animo isang bata na naiinis sa kalaro. Dagdag pa na sa kabila ng kalasingan nito ay natatandaan pa ang daan papunta sa bahay niya.

            Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa kanyang bahay. Ayaw nang magpaalalay ng dalaga subalit hindi niya iyon sinunod. Hindi ito sana’y uminom kaya’t alam niya na hindi pa nito masusuportahan ang sarili.

            Pagpasok sa kabahayan ay pabagsak na iniupo nito ang sarili sa kanyang sofa sa living room, kaya naman napasabay siya sa pagkakaupo nito. Bigla itong yumakap sa kanya at nang kanyang makita ang mukha nito ay pikit ang mga mata. Nakatulog na yata. Dahan-dahan niyang inialis ang kanyang braso na nadaganan nito saka ito isinandal sa malambot na upuan. “I’m gonna prepare you a coffee.” sabi niya kay Sharmagne kahit hindi sigurado kung nadinig siya ng dalaga.

Umakyat muna siya sa second floor at binuksan ang guest room doon. Mabuti na lamang at parati iyong nililinis ni Matilde, hindi siya mag-aalalang doon patulugin ang kanyang magandang-lasing na bisita. Pagbaba ay nadtnan niya pa rin itong tulog. Pumunta siya ng kusina at ipinagtimpla na niya ng kape ang dalaga.

Pagbalik niya sa salas ay naabutan niya itong gising nang muli at tinatanggal ang suot na sweater. Natameme siya. Hindi niya namamalayan na pinagmamasdan na lang niya ang paunti-unting pagtambad ng makinis nitong balat sa kanyang paningin. He shook his head. Nakaspaghetti tank top ito at hindi iyon ang unang pagkakataon na nasilayan niya itong ganoon ang suot. Ngunit para siyang na-hipnotismo na masilayan ito sa ganoong ayos. Lumapit siya sa dalaga at ibinaba sa lamesita ang isang baso ng kape. “Drink this.”  Hindi ito maaring matulog kaagad sapagkat magkakahangover ito kinabukasan at maaring mas sumakit pa ang ulo.

Inilapag nito sa tabi ang hinubad na sweater  Ngumiti ito ng tipid habang nakatingin sa baso ng kape saka bumaling sa kanya. “Bakit ang init? Wala ka bang aircon?” tanong nito habang ginawang pamaypay ang kanang kamay. Dahilan upang lumoyloy ang strap sa kanang balikat nito.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon