CHAPTER V

2.1K 21 4
                                    

HULING araw na ng dance workshop nila Sharmagne para sa gagawing TVC. It was a Saturday night. Ala-sais ng gabi ang calltime niya.

Siya lamang mag-isa ang nagpunta sapagkat nagkaroon ng emergency si Ryan at kinailangan nitong umuwi sa bahay nito sa Rizal noon pang nakaraang araw. Ang Tita Demi naman niya ay binisita ng mga pinsan nito; hindi nito naasahan iyon, kaya’t wala itong nagawa kundi ipaubaya sa kanyang P.A ang pagbabantay sa kanya. Katulad rin ni Ryan ang babae na hindi istrikto sa kanya at hindi sumbungera. Kaya’t nakiusap siya rito na kung maari ay hayaan siyang mag-isa na magpunta sa rehearsal. Magpapasundo na lamang siya kapag pauwi dahil ipinagbilin ng kanyang tiyahin na doon siya umuwi sa bahay nito kapag natapos na ang kanyang practice.

Umibis siya mula sa loob ng kanyang sasakyan. She uses her personal vehicle to get there. She enrolled on a driving lesson when she was twenty five. Doon pa lamang siya pinayagan ng kanyang tiyahin na makapagmaneho sapagkat takot ito na kapag natuto siya ay kung saan-saan na siya magpupupunta. Makakaalis ba siya kung daig pa nito ang isang cobra na palaging nakamasid sa kanya?

Pinindot niya ang remote lock at napangiti ng tumunog ang sasakyan, mensahe na nag-lock na iyon. Hindi pa halos mabibilang sa kanyang mga daliri sa kamay kung ilang pagkakataong siya ang mismong nagmaneho ng sasakyan papunta ng kung saan. Kaya’t natutuwa pa rin siya sa tuwing ginagamit ang remote niyon.

Ang mga ganoong pagkakataon ay talagang nagpapasaya sa kanya. Walang bantay. Walang nagtuturo kung ano ang dapat niyang gawin. She and just her plain self.

Nakangiti pa rin siya ng pumasok sa studio. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makita si Gerson na papalapit sa kanya. Shocks! Naninibago siya sa sariling sistema. Simula kasi ng haplusin ng binata ang kanyang mukha ay kadalasang laman na ito ng kanyang isipan. At hindi niya iyon ikinatutuwa!

“You’re late... Again.” Madilim ang mukhang sabi nito sa kanya.

Sinipat niya ang relo sa kanyang braso. “Mag-te-thirty minutes pa lang naman ah.”

“Fourty five.”

“Thirty sa relo ko.”

“Still. You’re late.”

Nakaramdam na naman siya ng iritasyon para sa lalaki. Mano man lamang ba na maghintay ito ng ilang minuto? Tutal ay siya naman ang babae. Hindi na lamang siya makikipagsagutan pa rito at baka lumalim pa ang inis niya. Hindi niya dapat ipasira sa gwapong lalaking ito ang gabi niya. Bumuntong-hininga siya. “Sorry.” aniya.

Natigilan ito. “Kanina pa kami naghihintay ni Arthur.”

“Sorry na nga 'di ba? Traffic eh.”

Kumunot ang noo nito at tumingin sa likoran niya. “Wala kang kasama?”

Umiling lamang siya at saka nagpatinuna na sa paglapit kay Arthur. Hindi na hinintay na magsalita pang muli ito.

Nanunudyo ang ngiti at tingin na ipinukol sa kanila ng choreographer ng makalapit na sila rito. “Mukhang may LQ ang lovers ah. Pag-usapan n’yo yang maigi at baka makaapekto sa sayaw ninyo.” anito na tatawa-tawa pa.

“Haha! Patawa ka Arthur ha.” ngali-ngaling kurutin niya ang lalaki sa pagtukso nito sa kanila ng binata. Animo siya isang teenager na hiyang-hiya ngunit di ipinapahalata iyon sa nakakakita.

            Nang mapasulyap siya kay Gerson ay bahagya lamang itong nakangiti. Mas matatanggap niya pa kung nakiasar rin ito ngunit wala man lamang itong sinabi na kahit na ano. Problema nito?

Biglang tumingin sa kanya ang binata. Hindi niya namalayang napatitig na pala siya rito. Nahuli tuloy ang pasaway na mga mata niya! Awtomatikong umiwas siya ng tingin at nagkunwaring nag-i-istretch na ng katawan.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon