CHAPTER XXIII

1.5K 33 7
                                    

“VAL, Pwedeng lumabas ka muna sandali,”

Utos ni Demi sa baklang make-up artist ni Sharmagne na kasalukuyang inaayusan ang kanyang pamangkin. Sumunod naman kaagad ito at naiwan na sila roon ng dalaga.

Pabagsak na inilapag niyasa dashboard sa harapan ni Sharmagne ang diyaryo na kanyang binasa kanina. Hindi nakaligtas sa kanyang tingin ang pamimilog ng mga mata ng kanyang pamangkin.

“Front page, Sharmagne! Nakaangklas ka sa braso ng Gerson na ‘yan na parang linta!” Galit na galit siya kay Sharmagne dahil sa nakitang larawan na iyon ng dalaga kasama si Gerson. Nasa front page pa ng pahayagang iyon ang litrato ng dalawa habang ang kanyang pamangkin ay dikit na dikit sa lalaki. Ayon sa article ay kahapon nakuhanan ang dalawa habang nasa loob ng isang mall sa quezon city. Ayon pa sa ulat ay tila masayang-masaya raw ang dalawa. At bagaman positibo ang laman ng balitang iyon ukol sa totohanan na na pag-iibigan umano ng mga ito ay hindi iyon nakakatuwa sa kanyang palagay.

Nagpaalam ito sa kanya kahapon na kasama nito si Ryan na mamimili sa naturang mall. Pinayagan niya kahit pa nga labag iyon sa kanyang kalooban. Para man lang hindi magrebelde ang kanyang pamangkin sa sobrang pagbabantay niya rito. Na sa palagay niya ay nararapat lamang sapagkat hindi ito basta-basta isang celebrity lang. Ayaw niyang masira ang pangalan nito ng dahil lamang sa pagsunod nito sa sariling nais na hindi naman makakatulong sa pagkatao nito.

Subalit hayun at ibang lalaki pala ang kikitain. “Sumagot ka!” singhal niya sa nakayukong dalaga. “Boyfriend mo na ba si Gerson?”

Ang hindi nito pagtugon ay lalong nakapagpainit sa kanyang ulo. “Sharmagne!”

“H-Hindi po.” mahinang sagot ng dalaga.

“Kailan mo pa ako niloloko? Kasabwat mo pa si Ryan!”

Sinulyapan siya ni Sharmagne ngunit yumuko rin pagdaka. “Tita, wala naman po kaming ginagawang masama.”

“Walang ginagawang masama? Ang pagsisinungaling mo ba sa akin ay hindi paggawa ng masama?” mataas pa rin ang tinig na sabi ni Demi sa pamangkin.

“Tita Demi-“

“Ano ba ang palagay mo sa sarili mo? Starlet?! Lantarang binibilad sa mga tao ang paglalandi?!” Gigil na gigil siya na tila ba hindi na nagiging totoo sa kanya ang kanyang pamangkin na halos buong buhay niyang inalagaan. Lahat ng oras ay inuukal niya rito at sa kapatid nito. Upang linlangin lamang siya ng gan’on-gan’on.

“Tita, hindi po ako naglalandi.”

Halos pinipigilan na lamang niya ang kanyang sarili upang huwag pagbuhatan ng kamay ang dalaga. “Sumasagot ka na ngayon?! Ano sa palagay mo? Seryoso sa’yo ‘yang lalaking yan?” tukoy niya kay Gerson. Buong akala niya ay hanggang sa trabaho at sa utos lamang ng mga big boss kaya’t nagkakalapit ang dalawa. Ang akala niya ay nagkukunwari lamang talaga ang mga ito kung kaya’t hindi niya inaaksyonan ang kanyang mga napapansin. Ngunit, maling-mali siya. At ngayon nga ay mukhang tuluyan ng nagogoyo ng artistang iyon ang kanyang pamangkin.

“H-Hindi po ba a-ako pwedeng seryosohin?” Sa pag-angat ng tingin na iyon ng kanyang pamangkin ay napuna niyang namamasa na ang mga mata nito.

            Bagaman nakaramdam ng awa para sa dalaga ay hindi niya pa rin ito maaring hindi kastiguhin. Hindi siya kahapon lamang ipinanganak upang hindi malaman ang takbo ng buhay sa showbiz. Iilan lang ba ang mga nagkatuluyang artista? Hindi pa sigurado kung naging matapat ang mga ito sa kanilang mga asawa. Masyadong mapanubok ang daigdig na iyon para kay Sharmagne. At mas nanaisin niyang siya ang haharap sa mga iyon kaysa ito. Ayaw niya lamang naman itong masaktan. Para sa kanya ay wala pa rin itong muwang sa mundong ginagalawan. At siya, bilang tumatayong magulang nito ay hindi hahayaan na malinlang ang inosenteng puso ng kanyang pamangkin na itinuturing na niyang anak.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon