“GERSON? Ahm, gising na.” Inalog-alog ng bahagya ni Sharmagne ang balikat ng natutulog na binata. Mahigit isang oras ay nakarating na sila sa bahay nito. Nasa loob iyon ng isang sikat na subdivision. Mabuti na lamang ay madali niyang nakabisa ang daan patungo roon ng sabihin sa kanya ng binata bago pa man sila umalis ng compound ng ABSAMTV.
Pupungay-pungay pa ang mga mata ng lalaki nang tumingin ito sa kanya. Tumitig lamang ito.
Muli na naman siyang nakaramdam ng pagkailang kaya’t tinapik na lamang niya ang braso nito. “We’re here.”
Tumango lamang ang lalaki at wala pa ring salita ang namumutawi sa bibig nito. Hinipo niya ang leeg nito. “Hala! Ang init mo ah!” Sa tantiya niya ay lalong tumaas ang lagnat nito kaysa kaninang paalis sila.
Lumabas siya ng sasakyan at umikot sa passenger seat. Binuksan niya ang pinto upang alalayan ang lalaki na makatayo. “Can you walk?”
Isang tipid na ngiti ang rumehistro sa mukha nito. “Babe, i’m not paralyzed.” Kung hindi lamang siguro masama ang pakiramdam nito ay pinagtawanan na siya nito base sa ekspresyon ng mukha nito.
Overacting siya pero anong magagawa niya? Nag-aalala siya para rito! “Pilosopo ka pa rin ha? Pagbibigyan kita. Halika na,”
Umibis na rin ito sa sasakyan at iniakbay ang braso sa balikat niya. “W-W-We-Wait!” huminto sila saglit sapagkat nalimutan niyang patunugin ang lock ng sasakyan. Nginitian niya ito dahil hindi na naman niya mapigilang mamahangha na siya ang may hawak ng susi ng sariling sasakyan.
Nang makapasok na sila sa bahay ng binata ay gayoon na lamang ang gulat niya ng biglang kumulog at kumidlat na sinundan nang malakas na buhos ng ulan. “What?!” Patay! Baka magkaaberya pa ang pagsundo sa kanya ng kanyang P.A. “Wala namang ibinalitang bagyo ‘di ba?” Pagkabaling niya sa binata ay doon lamang niya muling napagtantong nilalagnat nga pala ito.
Ang lamlam na ng mga mata nito. “Saan ang katulong mo?”
Umiling ito.
“Wala kang katulong?” Akay-akay niya ito habang paakyat sa kwarto ng lalaki.
“U-Uwian.” Nanginginig na ito.
“Oh my god,” Gustong magpanic ng utak niya. Sa katunayan ay nagguguluhan na siya kung anong dapat gawin. Hindi niya inaasahan na walang katulong ang binata na sasalubong sa kanila. Na mag-aalaga rito habang ito’y nasa ganoong kondisyon. “Paano na ‘to...”
Binuksan na muna niya ang pinto sa kuwarto ng binata. Kailangan muna niya itong pahigain sa kama nito bago siya magpanic!
Nang maihiga na niya ito ay iniunat-unat niya ang magkabilang balikat. Medyo may kabigatan pala ito nakadagdag pa marahil na mabigat rin ang pakiramdam nito. Humanap siya ng kumot na itatalukbong niya sa giniginaw ng lalaki. Naaawa siya rito. Kung magpadala na lang kaya siya ng nurse upang bantayan ito? Makakarating naman kaya agad ang ipatatawag niya kung ganoong kalakas ang buhos ng ulan sa labas? At maiiwan niya ba ito ng ganoon ang lagay? What am i? A criminal or something? Bakit ba ako nagu-guilty hindi pa man?
Paroo’t parito siya sa kabilang panig ng silid. Iniisip kung ano ang uunahing gawin. Nasa kalagitnaan siya ng pagsoslusyon ng tumunog ang kanyang telepono. It was her P.A. Sinagot niya ang tawag. “Hello Ate Jenny!”
“Hello Sharmagne! Nasaan ka na? Sobrang lakas ng ulan dito. Hindi ko sigurado kung masusundo pa kita.”
Natigalgal siya. “ Dito rin Ate,”
“Paano kaya ito, Hm-“ tila nag-iisip ito sa kabilang linya. “Baka hanapin ka sa akin ng Tita Demi mo. Ganito na lang, kapag tumawag siya ‘wag mong sasagutin ha?”

BINABASA MO ANG
IT MIGHT BE YOU
Fiksi PenggemarSharmagne Guevarra is considered as one of the most popular celebrities of her generation. She's an actress, a singer, a performer. She's the best on her craft. Kahit na sino ay nanaising makipagpalit ng pwesto sa kanya kung tatanungin. At her age...