CHAPTER XVI

1.9K 28 12
                                        

“SAAN BA ANG FIESTA?”

            Tanong kay Sharmagne ni Ryan sa kanyang likuran. Namimili siya ng kanyang mga binabalak lutuin para sa surprise niya kay Gerson. Nasa Rustan’s supermarket sila dahil sa suhestiyon na parang utos na rin ng Tita Demi niya. Sa SM lamang nila balak magpunta subalit ayaw pumayag ng tiyahin niya. Baka raw pagkaguluhan siya at hindi siya mabantayang maigi ni Ryan. Mabuti na raw iyong bibihira ang mga tao at walang pakialam sa mga artista kapag nakakita. At kung mag-SM raw sila ay sasama ito pati magpapadala ng bodyguard nila. Mag-go-grocery lang siya gagawa pa siya ng eksena? Natural na piliin niya na lamang kung saan siya mas magiging komportable.

Ang akala nito ay para sa sarili niyang mga ma-i-stock na pagkain iyon. Kung alam lamang ng tiyahin niya kung para kanino talaga ang mga ipapamili niya. Nakokonsensiya siya na hindi nagsasabi ng totoo sa babae. Pero wala naman siyang magagawa sapagkat pagbabawalan lamang siya nito.

Nilingon niya ito. “Fiesta ka diyan.” saka tinawanan ang kaibigan.

“Eh parang isang buong barangay ang papakainin mo rito sa mga pinamili mo eh.” anito. Ito ang may tulak-tulak sa stroller na pinaglalagyan ng mga pagkaing napipili niya.

            Higit isang linggo na ang nagdaan simula ng manalo si Gerson bilang best actor. Ngayon pa lamang niya maitutuloy ang kanyang balak na surpresa para sa lalaki sapagkat ngayon pa lamang sila magkakaroon ng libreng oras nito. Busy sila sa mga guestings, interviews at ilang photo shoot para sa iba’t ibang magazine. Natatanggap na ng masa ang “namumuong pag-iibigan” nila ng lalaki. May mangilan-ngilang hindi talaga naniniwala subalit higit na marami ang sumosuporta sa kanila.

            Tatlong araw rin na nasa ibang bansa si Gerson para sa mini concert tour nito kasama ang ilang artista na kamyembro nito sa Artist agency na humahawak sa mga ito. Mamayang gabi ang uwi ng binata. Nananabik na siyang makita ito.

Napahinto siya at hinarap ang kaibigan. “Grabe ka naman. Konti lang yan eh.”

Tumaas ang dalawang kilay ni Ryan. “Konti? Sure ka konti yan?”

Pinasadaan niya ng tingin ang lahat ng nasa stroller. Para sa kanya ay konti pa lamang iyon. Sapagkat hindi pa rin naman niya napagdedesisyonan kung ano ang iluluto niya. “Oo.”

“Alam mo feeling ko imbes na matuwa sa’yo si Gerson, magagalit pa ‘yon.”

Nangamba siya sa sinabi nito. “Bakit naman?”

“Eh ma-i-impatso pa siya niyan eh.”

Napangiwi siya. Naimagine ang binata habang pinananakitan ng tiyan. “Sige na nga bawasan natin.” hihilahin na niya ang stroller ng pahintuin siya ni Ryan.

“Teka nga muna, teka nga muna. Di ba sabi ko sa’yo may aaminin ka sa ‘kin.” muling tumaas ang dalawang kilay nito. “Now is the time dear.”

“Huh? Ano’ng aaminin? Wala naman ah!” nagmamaang-maangan niyang sabi rito.

“Wow! Ikaw na best actress!” pumalakpak pang wika ni Ryan.

“Wala naman talaga.”

“Sharmagne, kilala kita.”

Lumabi siya. “Ano ba kasi ‘yon? Wala naman kasi.” Patuloy niyang pagkukunwari.

“Miss, mula ulo hanggang kuko mo sa paa eh kinikilig kapag madinig lang ang pangalan ni Gerson.” Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga paa. “Oh! Kita mo kinikilig o, Gerson! Gerson!” pangaasar nito sabay halakhak.

“Bakla ka!” pangaasar niya rito upang tumigil.

“Matagal ko ng alam ‘yan. Kaya sabihin mo na ‘yung hindi ko pa alam kahit halata na.” Tinaasan siya nito ng kilay habang pinagmamasdan. “Nagkiss na kayo ‘no?”

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon