CHAPTER XI

1.8K 23 7
                                    

EXCITED si Sharmagne para sa araw na iyon. Ipinatawag ang kampo niya maging sa kampo ni Gerson para sa isang story conference. Na ayon sa kanyang manager ay para na raw sa magiging pelikula nila ng binata.

            Totoo ngang talaga ang naging bali-balita. Masaya siya na makakatambal na ang binata sa mainstream. Biglaan ang magaganap na meeting. Maging si Ryan ay kagabi lamang raw naabisuhan kaya kinailangan pa nitong iatras ang nakaschedule niyang lakad para sa umagang iyon.

            Wala pa man siyang ideya sa magiging konsepto ng pelikula ay nananabik pa rin siya. Mas dadami ang pagkakataon na magkakasama sila ni Gerson. Ng hindi maninita ang tiyahin niya. Parati kasi itong nakabuntot sa kanya simula ng may nagchismis rito na magnobyo na raw sila ng lalaki. Pilit man niyang itanggi iyon sa kanyang tiyahin ay hindi ito naniniwala sapagkat ayon dito ay iba ang nakikita nitong pagkakalapit nila ng binata at hindi raw nito nagugustuhan iyon.

            Nais man niyang sawayin ito dahil sa mga maling pagkakaunawa tungkol sa kanila ni Gerson pati na rin sa panghuhusga nito sa binata ay hindi naman niya magawa. Isang magulang na ang turing niya sa kanyang Tita Demi kaya’t hindi niya ito magawang sagot-sagutin.

            Gayun pa man ay maging ito ay excited na rin para sa kanyang magiging bagong pelikula kaya’t ipinagpapasalamat na lamang niya iyon dahil hindi na ito kumontra doon.

Nang makarating na sa compound ng ABSAMTV ay may bahid ng kasiyahan ang namuo sa kanyang puso. Ibang-iba ang paggawa sa isang patalastas at ang paggawa sa isang pelikula. Bagaman alam niya na mas mahirap iyon, nararamdaman naman niya na mas sasaya siya ngayon.

            Pagpasok niya sa conference room ay nandoon na ang ilan sa mga executives na sa palagay niya ay siyang may kinalaman sa urgent meeting na iyon. Binatai niya ang mga ito at nakipagbeso-beso na rin.

Namataan na rin niya si Ms. Becky. Bumeso siya sa babae. “Nasaan po si Ge?” shortname niya para kay Gerson.

Tumirik ang mga mata nito. “As usual.”

Napangiwi siya. Late marahil ang binata. Ngunit kung noong nakaraan ay inis na inis na siya kaagad sa pagkahuli nito, ngayon ay hindi na. Wala siyang makapang inis para rito. Siya lang ang natetensed sapagkat wala yata itong ideya kung sino ang mga kameeting nila para sa umagang iyon.

            Nakaupo na sila nang kalabitin siya ni Ryan. “Boyfriend mo nasaan na?” pabulong na tanong nito.

Pahapyaw niyang pinalo ang braso nito. “Boyfriend ka diyan. Malay ko kung nasaan.” sabay snob rito. Ngunit ang totoo ay nagtext sa kanya ang lalaki at ang sabi ay paakyat na raw ito sa third floor kung saan sila naroon ngayon.

            Five, four, three, two, one... Countdown niya sa isip.Sakto na doon naman sumulpot ang hinihintay na lamang ng lahat.

“Thank God you’re just ten minutes late!” sarkastikong sabi rito ni Ms. Becky na ikinatawa naman ng lahat sa loob ng silid.

Nginitian ito ni Gerson at nilapitan. “Sorry Becks.” bumeso rito ang binata.

“Stop it with you calling me Becks. Bakla ba ako?” pagsusuplada ng manager nito rito.

“Aray!” malakas na sabi ni Ryan.

Naitutop naman ng babae ang kamay nito sa bibig. “Sorry Ryan!”

“Charot lang Ms. Becks!” sabay tawa ng manager niya.

Nangingiting tinapik niya ang bading na kaibigan; tanda ng pagsaway rito

Inikutan namang lahat ni Gerson ang lahat ng nakaupo sa isang mahabang pabilog na mesa, upang makipagbeso-beso sa mga kababaihan at makipagkamay naman sa nag-iisang lalaking VIP na kasama nila roon.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon