CHAPTER XII

1.9K 30 12
                                        

HALOS magtagis ang mga bagang ni Gerson habang naglalakad papunta sa opisina ni Mr. Perez. Kailangan niyang ipaalam sa matandang lalaki na hindi siya sang-ayon sa iniuutos nito sa kanila.       

Kanina ng nasa conference room ay nagtitimpi na lamang siyang talaga upang huwag makapagsalita ng hindi maganda. Lalo na ng banggitin ni Mr. Perez ang pangalan ng dating nobyo ni Sharmagne na nangloko rito. Magkapatid sila sa manager ng naturang lalaki. Iwasan man niya ay nakaramdam siya ng inis para rito. Dahil kasi sa ginawa nito noon ay inaakala ng lahat noon na si Sharmagne pa ang naghahabol rito. Kaya’t lalong nagrerebelde ang damdamin niya. Naaawa siya kay Sharmagne.

Papasok na siya ng elevator paakyat sa opisina ni Mr.Perez ng may madinig siyang tumatawag sa kanya. “Gerson! Gerson ano ba!”

Kaagad niyang pinindot ang open button ng makita ang dalaga. Hindi niya namalayan na nakasunod pala ito sa kanya. Hindi siya lumabas sa halip ay hinintay itong makapasok rin sa elevator.

Sinara na niya iyon pagpasok ni Sharmagne. Nasa ikalabing anim na palapag ang opisina ng matandang lalaki.

“Bingi ka na ba?”

“Were you following me?” Nag-alala naman siya na tila hiningal yata ito sa paghabol sa kanya.

“Si the flash ka ba? Ang bilis mo maglakad.” Sabi nito sa kabila ng paghabol sa paghinga.

Napangiti siya sa tanong nito. “I’m a guy. Hakbang ko, takbo mo na.”

“Yabang!” nakangusong sabi nito.

Natatawa siya sa mukha nito. Animo bata na naasar.

Sumeryoso siya pagdaka. “I need to talk to Mr.Perez.” aniya kay Sharmagne.

May pagkabahala namang rumehistro sa mukha ng dalaga. “Bakit? Huwag na.”

“Why not? Hindi ka ba nagagalit? Para silang Diyos na inuutusan tayo kung ano ang dapat natin maramdaman.” Hayun na naman ang galit na kanina niya pa nararamdaman.

Natahimik ito.

“B-Babe?” nakaramdam siya ng pagkailang na tawagin ito sa endearment niya para sa babae. Paano niya maipapakita rito ang pagpapakatotoo niya kung kailangan nilang magpanggap? How ironic.

Tinitigan siya nito. “Ang sa akin lang, wala naman na tayong magagawa eh.” Lungkot ang nakita niya sa magandang mukha nito.

He sighed. “Ayoko lang na masira ka.”

“Saan naman ako masisira?”

“Sa mga supporters mo.”

“Sus. Para namang ikaw walang supporters.” Umismid ito.

“Iba ako. Lalaki ako eh. Iba sa’yo. Baka hindi nila matanggap. Baka manibago sila sa mga mababalitaan nila tungkol sa lovelife mo. Tungkol sa atin. Baka mawalan ka ng fans.” Higit sa sarili ay mas nag-aalala siya para sa maaaring maging epekto sa career ng dalaga dahil sa kanilang “love affair” nito.

Pagak itong tumawa. “OA ka ha. Minamaliit mo mga fans ko. Matatalino ang mga ‘yon. Maiintindihan nila. Kung sino ang mahal ko, matatanggap nila.” Confident na sabi nito.

“Bakit, mahal mo ba ‘ko?” Ngayon, kailangan pa nitong magpanggap na mahal siya nito para lamang mapakita na may namamagitan na ngang talaga sa kanila. Magkahalong lungkot at saya  ang kanyang nararamdaman.

            Nalulungkot siya sapagkat hindi niya mawawari kung ang mga ipapakita ba nito sa kanya ay ang totoong nararamdaman nito o para lamang iyon sa pagpapanggap nila. Nababahala rin siya kung paano rin dito maipapadama ang damdamin niya kung nasa ganoon na silang sitwasyon. Ngunit masaya rin siya na dahil doon ay mas lalo silang magkakalapit ng dalaga.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon