CHAPTER XXI

1.5K 34 24
                                    

“PSST! Phonecall.” Nakangiting imporma kay Sharmagne ni Ryan. Iniabot sa kanya ng kanyang kaibigan ang cellphone niya na hawak nito ng mga oras na iyon.

Base sa pilyong ngiti sa mga labi ng lalaki ay may ideya na siya kung sino ang nasa kabilang linya hindi pa man niya iyon nakikita. At nang makita niya ang pangalan na nakarehistro sa screen ng gadget ay tama nga ang kanyang hinala. “Hello?” magiliw na sagot niya kay Gerson.

“Hello beautiful.” Masayang bati naman ng lalaki sa kabilang linya.

May nagpipigil na ngiti ang nais sumilay sa kanyang mga labi. Kung hindi lamang nakatunghay sa kanyang harapan si Ryan ay kaagad na niya iyong naisiwalat. “Heh! Bolero.” paismir na lamang niyang saad .

“Kailan ba kita binola?” Bagaman hindi niya nakikita ay ramdam niyang napapangiti ito. “How are you baby girl?”

“How are you ka diyan. Katatawag mo lang two hours ago ah.”

“Maraming pwedeng mangyari sa pagitan ng dalawang oras,babe.”

“Ewan ko sa’yo Adams.” Inismiran niya ito kahit sa pamamagitan lamang ng telepono. Hayun na naman ito.

“Hayaan mo na ‘yong tao. Nagbabantay lang naman siya.” Nanunudyong wika ni Ryan. Nasa taping siya ng kanyang bagong TVC. Si Mark Lloyd Dela Cruz ang  aktor na kapareha niya roon na siya marahil tinutukoy ng kanyang kaibigan na ibinabantay sa kanya ni Gerson.

Komportable na naman kasi sa pagtawag sa kanya ng mga endearment nito sa kanya. Na siyang hindi naman niya pinapatigil. Hindi man niya aminin ay namiss niya na ganoon sila. Na hindi siya galit rito at hindi ito umiiwas sakanya sa di mawaring dahilan.

            Magdadalawang linggo na simula nang makauwi sila galing ng Gensan. Matapos noon ay naging maayos ng muli ang samahan nila. Nagbalik na ito sa dating kakulitan at pagiging malambing. Sadyang may naitulong ang ilang araw na pagsasama nila sa bahay nito kasama ang pamilya nito. Mas nakilala niya ito. Mas humanga siya sa nakitang pagmamahal nito sa mga tao roon kahit ang mas mga nakaliliit na katayuan. At ayaw man niya ay nababatid niyang mas lumalim ang damdamin niya para sa binata. Mahirap iyong iwasan. Mahirap turuan ang puso na iba na lamang ang maramdaman sapagkat hindi iyon tauhan ng kung sino man.

Sa tagaytay ang lokasyon nila ng araw na iyon.  Nasa loob sila ng isang malaking tent na siyang nagsisilbing kanyang dressing room. Outdoor ang set-up ng tvc kaya’t naroon ang setting.

Ang Tita Demi niya ay nasa labas kasama ang P.A niya at naghanda ng mga ipina-cater pagkain para sa crew. Nakagawian na ng tiyahin niya na magpaluto para sa mga staff lalo at kapag nasa outdoor sila sapagkat alam nila kung gaanong mas mahirap ang gawain ng production kapag sa labas ang set  ng proyekto. Iyon ang isa sa mga paborito niyang ugali ng tiyahin niya. At hanggang sa mga oras na iyon ay hindi nito nalalaman ang pagsama niya kay Gerson sa hometown ng huli. Wala na rin siyang balak na sabihin pa iyon. Sa payo na rin ni Ryan. Ika nga ng kaibigan niya, “What she doesn’t know won’t her hurt. And what she doesn’t know won’t hurt you as well. Para happy together, davah?” May punto naman ito kaya iyon ang sinunod niya. Mabuti na lamang rin at nauna siya ng isang araw na makauwi bago ito. Binisita kasi nito ang kanyang kapatid na nasa Paris. Kaya hindi na nito dapat pang malaman na nag-ala ninja siya mula manila hanggang gensan. Mabuti na rin iyon. Walang sermon na naganap.     

“Well, baby girl?” Seryoso ba itong hinihintay pa rin ang sagot niya sa tanong nitong iyon na itinanong rin naman nito nang dalawang oras na nakakaraan?

“Well, baby boy?” panggagaya niya lamang rito.

Nadinig niya ang pagtawa nito. Napangiti na siya. Normal na nga yata talaga sa sistema niya ang maengganyo kapag nadirinig itong tumatawa. Para bang appetizer iyon ng mood niya. “Uuyy kinikilig siya.” Hindi niya intensiyon subalit bigla na lamang niya naisip na tuksuhin ito sa kanya.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon