NAGPIPIGIL lamang si Sharmagne na huwag mapangiti sa text message na kanyang binabasa.
Good morning, baby girl. Sana wala ka ng tantrums mamaya. :(
It was from Gerson. Ayaw niyang matuwa sa lalaki. Ngunit nag-eeffort ito na makipagayos sa kanya. Parati itong nagpapadala ng mensahe kahit na hindi niya ito nirereplyan. Kapag tumatawag naman ito ay sinasagot niya ngunit ipag-mi-missed call niya muna iyon ng ilang beses. Sa tuwina ay binabara niya ito ngunit napipikon siya dahil nagbabalik ito ng pangaasar sa kanya kaya katapos-tapusan ay bwisit na naman siya rito. Bagaman nasanay na siya sa endearment nito ay sinisita niya pa rin ang lalaki. Upang hindi ito makampante na ayos na silang muli.
Ilan beses na rin siyang inaya nitong lumabas upang makapagusap raw sila. Lahat ay hindi niya pinaunlakan. Kaya nagpapadala na lamang ito ng bulaklak sa kanya araw-araw. Walang palya. Nagdududa na ang tiyahin niya kung may namamagitan na raw ba sa kanila ng binata. Itinatanggi niya iyon dahil yon ang totoo. Sinasabi niya na para lamang sa trabaho ang ginagawa ng binata.
“Si fafa G na naman?” untag sa kanya ni Ryan. Nakangiti ito. Nanunudyo ang tingin. Ito ang kinikilig sa ginagawa ni Gerson. Ito ay napatawad na ang lalaki at kinukumbinsi na rin siya na makipagbati. Pakiramdam niya ay paunti-unti na itong bumabalimbing.
Simpleng tango lang ang sinagot niya sa kaibigan. Kunwa ay walang pakialam. Ikalawang araw na ng TVC shoot nila ngayong araw. Muli na naman silang magkikita ng binata. Pinaghahandaan niya iyon. Pinaghahandaan na huwag pa rin itong kausapin. Just to annoy the hell out of him. Tingnan niya kung hanggang saan nito kayang maging mabait. Sa tuwing naiisip niya kasi na dahil lamang sa trabaho kaya ang trato nito sa kanya ay lalo siyang nanggagalaiti.
At bakit? Gusto pa ba niya na magkaroon pa ng ibang dahilan? Ayon na naman siya sa pagiging malisyosa. At bakit hindi niya magawang burahin ang mga dating mensahe nito? Pinindot niya ang delete button sa kanyang cellphone. Yes? Or No? Ayon sa tanong sa screen niyon. She bit her lower lip. Okay fine. Hindi niya talaga magawang burahin. Kainis!
Nasa mismong building na sila sa Makati. May pictorial siya sa isa sa mga studio roon kaya naman kanina pa silang umaga nandodoon. Sa oras ng calltime ay lilipat na lamang sila.
Tanghali na sila natapos sa photo shoot. Ilang minuto na lamang rin ang hihintayin bago ang pagsisimula ng taping ng kanilang TVC. Ayon sa kanyang PA ay naroon na raw ang buong production ng TVC at kung maari raw ay lumipat na sila.
Papasok pa lamang siya sa loob ng studio ay may namataan na kaagad siya. Nakatalikod man ito ay kilalang kilala na niya. Lumanghap siya ng hangin dahil tila siya pangangapusan niyon. Okay, okay. Kalma.
“Uy, maaga si crush oh.” bulong sa kanya ni Ryan.
Na hindi pala nakawala sa pandinig ng tiyahin niya. “Sinong crush? Sharmagne, crush mo?”
Nagkatinginan naman sila ng manager. “Ah, crush ko Tita Dems. Ayun oh yung utility boy. Cute ‘no?” pagsisinungaling ng kaibigan niya. Alam niyang si Gerson ang tinutukoy nito; na maagang dumating sa location. Kausap ng binata ang kanilang direktor. At siya naman ang tinutukso nito na may crush sa binata. Kahit na wala naman. Wala nga ba? Oo naman. Walang-wala talaga!
Sumulyap ito sa utility boy na itinuro ni Ryan. Matapos ay umismid. “May taste ka ba?”
Napanganga ang manager niya. “Meron Tita!”
Tahimik na tinawanan ito ng kanyang tiyahin. May pagkalaitera rin talaga itong Tita Demi niya. Lihim nga lang.
“Halika na Sharmagne.” Pinasunod na siya ng kanyang tiyahin papasok ng studio.
BINABASA MO ANG
IT MIGHT BE YOU
FanfictionSharmagne Guevarra is considered as one of the most popular celebrities of her generation. She's an actress, a singer, a performer. She's the best on her craft. Kahit na sino ay nanaising makipagpalit ng pwesto sa kanya kung tatanungin. At her age...