KATATAPOS lamang ng charity concert ni Sharmagne para sa mga nasalanta ng bagyong pablo noong nakaraang linggo. Sa isang araw ay sa Gensan naman ang punta niya para sa kanyang huling mini-charity concert.
Masaya man siya na makakatulong sa mga kababayan sa gagawin niyang iyon ay hindi niya maiwasan na hindi malungkot. Pupuntahan niyang muli ang home town ni Gerson. Kahit ilang araw lamang sila roon ay naging espesyal na sa kanya ang lugar na iyon. Hindi na rin niya nakakausap ang nanay ng lalaki. Galit kaya ito sa kanya? Hindi naman niya tinangka pang makipagkomunika rito gawa ng nahihiya lamang siya. Wala na siyang balita sa mga ito.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng umalis ang binata. Nang malaman niya iyon sa balita ay hindi niya na napigilan ang sarili na maiyak. Masakit na masakit para sa kanyang isipin na umalis ng bansa ang binata upang makasama ang nobya nitong si Betina. Durog na durog ang puso niya nang gabing iyon. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya? Wala na. Tapos na sila. Masaya na ang binata sa piling ng totoo nitong mahal.
Nakararamdam man siya ng kahungkagan ay agad niyang iwinawaksi iyon. Walang magandang maidudulot sa kanya ang mga alaala sa dating nobyo.
“Naku! Naku! Abot na abot na ang lupa sa lalim ng buntong-hininga mo ateng,” dinig niyang puna ni Ryan.
Hindi niya namalayang ginawa niya pala iyon. Nasa hukay na naman siya ng pag-iisip.
“Wala...” ikinawit niya ang braso sa kaibigan. “May naiisip lang,”
“Ay, parang may idea na ako kung sino.” anito. Pinagdikit pa ang itaas at ibabang labi.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata at tinaasan ng kilay. Tingin na nagbibigay babala.
“Ay! Wala pala akong idea.” Nakuha naman nito ang nais niyang ipakahulugan.
Ayaw na ayaw na niyang may makakapagbanggit man lamang kay Gerson. Ni marinig ang pangalan ng binata ay ayaw na niya. Subalit hayun at siya mismo ang nagtataksil sa sarili niya sapagkat siya rin ang parating nag-iisip sa lalaki.
Habang pasakay na ng kanilang van ay napansin na naman ni Sharmagne ang sasakyan na iyon na nakaparada hindi kalayuan sa kinapupwestuhan nila.
“Bakla!” tawag niya kay Ryan na nag-aayos ng mga gamit niya na nakasalansan sa uupuan nila.
“Yes?”
“Tingnan mo ‘yang pulang kotse na ‘yan,” aniyang pasimpleng ininguso rito ang direksyon ng sasakyan.
Lumapit sa kanya ang kaibigan. “Saan?” anitong hinahanap ang tinutukoy niya.
“’Wag kang magpahalata.” pabulong na sabi niya rito. “Ayun nga oh, sa harap natin sa bandang kaliwa.”
“Ahh... O, ano naman?” tanging reaksyon nito.
Naumay siya sa reaksyon ng lalaki. “Lagi ko nga nakikita ‘yan. Kung nasaan tayo nandoon din yan,” Ilang araw na sa tuwing umaalis siya ay makikita niya ang ganoong uri ng sasakyan na nakaparada sa kung saang event o trabaho na mayroon siya.
“Ang OA ha? Nagkakataon lang ‘yan. Ang dami-daming ganyang sasakyan sa mundo ‘no. Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Napaparanoid na ang isa diyan.” nairita pang wika ni Ryan.
“Tse!” Natahimik na lamang siya at muling pinasadaan ng tingin ang sasakyan. Lumang modelo ng honda city iyon. Heavily tainted kaya hindi maaninag kung sakaling may tao man sa loob. Nakaparada ang kotse niya sa kabilang dako ng concert hall kung saan bihira ang mga tao. Iilang sasakyan lamang rin ang naroroon kaya’t hindi niya maiwasang hindi magtaka na nakakita pa rin siya ng pulang kotse na ganoon ang hitsura. Nangangamba lamang naman siya para sa kaligtasan nila sapagkat noong nakaraang taon ay may nagtangkang ku-mid-nap sa tiyahin niya. Nakasigaw lang ang babae kaya’t nakuyog ng mga nagmamagandang loob na sibilyan ang salarin. Ayaw na niyang maulit pa iyon.
BINABASA MO ANG
IT MIGHT BE YOU
FanfictionSharmagne Guevarra is considered as one of the most popular celebrities of her generation. She's an actress, a singer, a performer. She's the best on her craft. Kahit na sino ay nanaising makipagpalit ng pwesto sa kanya kung tatanungin. At her age...
