CHAPTER XIV

1.8K 23 3
                                        

NAGING matagumpay ang basketball event na in-organisa ng ilan sa mga sikat na artista sa pangunguna ni Gerson. Hindi naging madali na maglaan ng isang araw ang ilan sa kanila tulad na lamang niya, para sa ganoong pagtitipon. Pero naisakatuparan pa rin nila iyon alang-alang sa mga bata na matutulungan ng lahat ng pera na nailikom nila sa pinagbentahan ng mga tickets sa gabing iyon.

            Sa di kalayuan ay nakita na niya sila Sharmagne at ang mga kasama nito. Maasim ang mukha ng dalaga. Hindi siya kinikibo. Nagtatampo pa rin kaya ito?

Kanina habang pahinga siya sa kanilang laro ay tinatawag niya ito subalit hindi siya pinapansin. Samantalang nang naguumpisa pa lamang iyon ay nakita niya pa itong tumayo at tinawag ang pangala niya. Kitang-kita niya iyon lalo na sa monitor. Tila ito ang energy drink niya sapagkat lalo siyang ginanahan sa paglalaro. At ilang beses rin siyang nakapuntos. Biro nga sa kanya ng ilan sa kanyang mga kalaro ay kung may MVP raw sa gabing iyon ay siya na ‘yon malamang. Kinarir niya ika nga. Hindi na niya iyon namamalayan dahil sa tuwing dinaraanan ng camera ang mukha ni Sharmagne ay awtomatiko na siyang lumalakas.

            Sa back exit sila pinalabas ng mga staff ng event sapagkat naroon raw sa front exit ang mga fans at reporters. Iniiwas silang makita ng mga ito. Hinihintay lamang rin nila ang kani-kanilang mga sasakyan na naiparada sa harap ng stadium.

“Hi baby girl.” nakangiting bati niya sa dalaga.

Bahagya lamang siyang tinanguan nito sabay umiba ng direksyon ang tingin.

            Hinihintay na lamang nila si Mr. Arnold upang makaalis na sila sa venue. May kakausapin lamang raw ito sandali sa loob kaya’t pinaghintay na lamang sila doon. Kaninang pagdating niya pa lamang sa Cuneta Astrodome ay nagpakilala na sa kanya ang lalaki at sinabing ipinadala raw ito nila Mr. Perez. Nakaramdam siya ng iritasyon para rito subalit iwinaksi na lamang niya iyon, ginagawa lamang nito ang trabaho. At ganoon din siguro ang dapat nilang gawin ni Sharmagne. Ang lalaki rin ang nagsabi na kasama nito ang dalaga kaya’t ang inis niya sa ginoo ay natabunan na ng kasabikan niyang makita ang babae.

“Galit ka ba babe?” napapantastikuhan siyang talaga sa inaakto nito. Kung minsan ay malambing, kung minsan naman ay animo hindi siya kilala kung makitungo.

Iling lamang ang isinagot nito.

“’Yun nga palang tungkol sa-“

Napahinto siya sa kanyang sasabihin ng bigla silang kuyugin ng mga fans at reporters na lahat ay kaagad na may mga itinatanong na halos hindi na niya maintindihan. Halos masilaw na rin siya sa mga flash ng camera na nagsisipagkislapan sa kanyang harapan. Ikinagulat niya ang pagsulpot ng mga ito. Papaano nakatunog ang mga ito na naroon sila sa likod?

Nilingon niya si Sharmagne. Kababakasan ng takot ang mukha ng dalaga. Hinila niya ito palapit sa kanya. Saka pinalibutan niya ng kanyang braso ang balikat nito upang huwag masanggi. Nasisiksik na sila sa sobrang paguumpukan ng mga tao sa paligid nila. Kahit ang kanyang handler na siyang kasama lamang niya ng gabing iyon ay natutulak na rin.

“Gerson talaga bang kayo na ni Sharmagne?” nadinig niyang tanong ng isang babaeng reporter.

“Sharmagne, bakit ang bilis mo na yata bumigay ngayon?” tanong pa ng isang lalaki sa dalaga.

            Gusto na niyang sapakin ang reporter na iyon sa bastos ng pagkakatanong nito kung hindi lamang niya pinoprotektahan ang dalaga gamit ang kanyang mga braso.

“Talaga bang kayo na?”

“Sumagot naman kayo!”

“Ay! Ay! Hinay-hinay lang po! Nasaktan na ang alaga ko! Ano ba!” dinig niyang sigaw ni Ryan sa mga tao na nagkukumahog dikitan sila ng babae.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon