HALOS dinig na ni Sharmagne ang pagkabog ng kanyang puso. Nang lumapat ang mga labi ni Gerson sa kanya ay tuluyan na siyang nawala sa katinuan. Kakaiba ang nararamdaman niyang sensasyon. Ngayon lamang siya nakadama ng ganiyon. Tanging sa binata lamang na siyang umaangkin ng mga labi niya sa mga segundong iyon.
Noong una ay nais lamang niyang subukan ang lalaki kung hanggang saan ito makakapagpigil. Ilang pagkakataon na ba niyang nakita ang pagnanasa sa mga mata nito sa tuwing pinagmamasdan siya. Subalit ngayon ay maging siya ay tuluyan ng nadala sa init na dulot ng halik nito.
Patuloy lamang ang paghalik nito sa kanya at hindi niya namamalayan na nasa kalagitnaan na pala sila ng hagdan paakyat. Wala na siyang pakialam kung saan sila patutungo. Ang mahalaga ay mabigyan niya naman ng kasiyahan ang sarili niya kasama si Gerson.
Kusang kumilos ang kanyang mga kamay at paisa-isang tinanggal ang mga butones sa polo na suot nito. At hinubad iyon sa binata. Itinapon na lamang niya iyon kung saan sila madaan. Pahapyaw kung maglayo ang kanilang mga labi upang makahinga, matapos ay magtatagpo ring muli.
Hanggang sa makarating na sila sa kuwarto nito ay patuloy pa rin ang pagdampi ng mga labi nito sa kanya. Hanggang sa bumaba iyon sa kanyang leeg. Tumindig ang kanyang mga balahibo. Bahagya rin niyang nadama ang dila nito na lumapat sa kanyang balat. Para siyang nakukuryente sa init at kiliti na ipinapadama ng bibig nito sa kanya.
Nang makaabot na sila sa kama nito ay paupong humiga ito roon at sumandal sa headboard. Hindi iniaalis ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang balakang. Nakita na lamang niya ang sarili na nakakandong rito ng paharap.
Hubad na ang pang-itaas nito na siyang dinadama ng kanyang mga palad. Kapag ito'y napapagalaw ay nararamdaman na niya ang pagkalalaki nito na awtomatikong magpapainit kanyang mukha. Kanina ay natakot pa siya nang idinikit nito ang katawan sa katawan niya at naramdaman ang bagay na iyon. Ngunit ngayon ay tila nais niya pang diskobrihin kung ano pa ang maaring magawa niyon.
"You're blushing, babe." napansin pala nito ang pamumula ng kanyang mukha. Bahgya itong nakangiti.
Marahan nitong ibinababa ang suot-suot niyang vest na pinalolooban ng sleeveless. Nang maibagsak na nito iyon sa sahig ay dinampian nito ng halik ang kanyang balikat na tumambad rito. "Have i told you that your smell is my favorite scent?"
Napakagat labi siya ng yakapin siya nito at habang dinadampian ng mga halik ang palibot ng kanyang leeg ay mula sa likod ay hinubad nito ang kanyang sleeveless at initsa nito iyon sa kabuoan ng kama. He then unhooked her bra. Sinalo niya ng magkabilang braso ang malalaglag na sanang pangloob. Hindi na yata nawala ang pag-iinit ng kanyang mukha. Pati na rin ang kanyang katawan ay nahahawa na.
Hinawakan ni Gerson ang kanyang mga kamay. "I want to see them," anito. Saka dahan-dahang tinanggal ang kanyang mga kamay at tuluyan nang bumagsak sa sahig ang kanyang panloob. Yumuko siya. Ayaw makita ang reaksyon sa mukha ng binata.
Dinig niya ang malalim na pagbuntong hininga nito. Nang bumaling siya rito ay nakatitig ito sa kanyang dibdib. Napansin niyang gumalaw-galaw ang gulong-gulongan nito. "You have wonderful... wonderful breasts."
Nakakaramdam man siya ng hiya sapagkat nakalantad na rito ang hubad niyang pangitaas ay kinikilig siya sa nakikita sa mga mata nito. Ang paghanga habang pinagmamasdan siya. Itinabing ng kamay nito ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang hinaharap. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya dulot ng iba't ibang emosyon na kanyang nararamdaman.
"Babe, you look tensed." nakangiti ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Nasaan na nga ba ang Sharmagne na kanina ay tapang-tapangan habang inaakit si Gerson? Naduwag na yata't nalunok na ang dila.
BINABASA MO ANG
IT MIGHT BE YOU
FanfictionSharmagne Guevarra is considered as one of the most popular celebrities of her generation. She's an actress, a singer, a performer. She's the best on her craft. Kahit na sino ay nanaising makipagpalit ng pwesto sa kanya kung tatanungin. At her age...