CHAPTER XIII

1.8K 27 6
                                    

NAPAHANDUSAY  si Gerson ng biglaan na lamang siyang itulak ni Sharmagne at mapabagsak ang katawan mula sa tatlong baytang na hagdan. Mabuti na lamang ay maliliit lamang ang pagitan ng mga iyon kung kaya’t hindi naman siya nasaktan.

“Ay! Sorry! Sorry!” paumanhin ng dalaga saka siya dinaluhoy at hinila ang kanyang kamay.

            Kitang-kita ang pagkagulat nito at ang pangamba sa mukha sapagkat habang nakayakap pa siya rito kanina ay bigla na lamang bumukas ang pintuan sa sala nito. At iniluwa noon ang tiyahin, manager at ang PA nito.

“O, ano’ng nangyari?” gulat na tanong ni Tita Demi. Mabuti na lamang at mukhang may pinagdedeskusyonan ang tatlo ng pumasok sa loob ng bahay kaya’t hindi kaagad sila napansin ng dalaga.

“My gosh! Anong eksena ito?! Ano?! Bakit ka nakahandusay mahal?! Bakit?!” overacting na tanong naman sa kanya ni Ryan. Tinulungan na rin siya nitong makatayo.

            He grinned. Nais niyang matawa sa sitwasyon. Tila takot na takot si Sharmagne na may makakita sa kanila sa sweet na tagpo samantalang iyon ang dapat nilang gawin. Kung sabagay ay hindi rin naman planado ang nangyari kanina. Nang maalala na naman niya ang tagpong iyon sa kanila ng dalaga ay hindi na talaga nawala ang kanyang pagkakangiti.

“Naano siya eh,” si Sharmagne. Ramdam niya na nagpipilit itong makaisip ng idadahilan.

“Naano? Naano mo?” tanong ni Ryan saka tumawa.

Pinalo ito ng dalaga sa braso nito. “Naano, naano ka diyan.”

“Eh naano nga?” singit ng PA ng dalaga na si Ate Jenny.

“Naano... Ano nga ba tawag doon...” nag-iisip pa rin na wika ni Sharmagne habang ipinipitik-pitik pa ang mga daliri.

“Nadulas.” siya na ang sumagip sa sasabihin nito dahil tila mabubuking na ito.

“Nadulas ka saan? Sa hagdan? Bakit? Paakyat ba kayo dapat?” taas ang isang kilay na tanong sa kanya ng tiyahin ng dalaga.

“Hindi po. Uhm, nadulas ako dito. Basa kasi dito kanina eh.” aniyang tatango-tango pa. Sa matalim na tingin pa lamang na ipinupukol sa kanya ng tiyahin ni Sharmagne ay halata niyang hindi talaga itong sang-ayon sa naging paguusap nila kaninang umaga.

“Bakit naman mababasa? Hindi naglampaso si Yolly?” usisa pa rin ng babae habang hinahanap ng mga mata ang Yolly na tinutukoy nito.

“Tita, day off po ni Yolly.” nakangiti ng alanganing sabi ni Sharmagne dito.

Umismid ang babae. “Kanina pa ba kayo rito?”

Awtomatiko naman ang pag-iling nila ng sabay ni Sharmagne. “HIndi po! Kadarating lang din po namin!” sagot nito sa tiyahin.

“Ah, excuse me lang po, ano?” singit ni Ryan. “Sharmagne dear, tuloy ‘yong three PM autograph signing mo sa MOA later ha?”

Tumango lamang si Sharmagne habang pasalit-salit ang tingin sa kanya at sa manager nito.

“Oo kaya magpahinga ka na muna at aalis na rin tayong apat nila Ryan, Jenny at ikaw. Maya-maya lang.” sabi ni Tita Demi na halatang-halata ang pagpaparinig sa kanya na hindi na siya dapat naroon pa.

“Tita...” saway rito ni Sharmagne.

            Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay nginitian niya ito. Nagbalik ngiti rin ito na hindi nakatakas sa paningin ng manager ng dalaga. Tumikhim ito. At ngumiti rin sa kanila ng dalaga ng mapatingin sila rito.

Bumaling siyang muli kay Sharmagne. “I have to go.” paalam niya.

“Ingat ka!” habilin ni Tita Demi subalit halatang labas sa ilong.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon