PAGKARATING ni Sharmagne sa bahay ni Gerson ay nagpaalam muna siya sa binata na iidlip na lamang muna. Ang totoo ay umiiwas lamang siya na makapagsolo sila ng lalaki. Naiilang siya sa mga titig nito. Lalo na kanina na alam niyang may nasilayan itong hindi nito dapat makita. Akalain ba naman kasi niyang sasakay pala siya ng kabayo. Nakaduster pa man din siya. Nagandahan siya sa duster na pinaglumaan raw ni Nanay Minda. Maganda iyon, bagay raw sa kanya. Kaya’t pumayag siya na isuot iyon.
Naiinis siya sa sarili na nagpapaapekto siya sa mga mata ni Gerson na hindi na yata kumukurap kanina habang pinagmamasdan siya. Pero kaysa magpadaig sa pagkailang ay isinaboses niya ang napapansin rito. Sa kabilang banda ay kinilig rin naman siya sa reaksyon nito para sa kanya. Hindi naitatago ng mga mata nito ang paghanga habang pinapasadaan siya ng tingin. Hindi man niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito ay nakapagdulot sa kanya iyon ng kakaibang kasiyahan.
Gayun pa man ay ayaw niyang bigyan ng ano mang kahulugan ang trato nito sa kanya. Simula ng magkaayos sila ay naging masyado na itong maalalahanin. Ang nakakapagtaka lamang ay kung kumilos ito ay animo iba na naman ang nais sa kanya. Samantalang malinaw naman sa kanya na hanggang pagkakaibigan lamang ang kaya nitong ibigay sapagkat masyado raw siya nitong nirerespeto. May nirerespeto bang halos halikan na siya nito eh mag-gu-good night lang naman? May nirerespeto palang halos ipasok na nito ang sarili sa kwarto niya para masolo siya. Grabe naman pala ito kung makapagrespeto. Nakakawala sa sarili!
Hihintayin na lamang niya na dumating sila Nanay Minda at Yaya Cecil bago siya bumaba. Sila lamang dalawa ni Gerson ang nasa bahay ng mga oras na iyon. Ano kaya ginagawa n’on? Nagtuloy na lamang siya sa libro na binabasa at paminsan-minsan ay dumadaan sa sisip niya ang binata. Baka lumabas ito at iniwan siya doon? Ayaw naman niyang babain ito. Kinakabahan siya sa mga tingin nito. Ha,y Gerson. Ano ba ang gagawin niya rito? Nais niya itong makasama at makalapit subalit ayaw rin niya sapagkat ang ego niya bilang babae ang nagsasabi na dapat ay lumayo man lamang siya sa lalaki kung hanggang pagkakaibigan lamang pala ang nararapat na mamagitan sa kanila.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto na tinutuluyan niya.
“Sharmagne?” dinig niya ang boses ni Gerson.
Agad siya humiga at nagtalukbong ng kumot.
“Gising ka ba?” tanong pa rin ng binata sa labas.
Hindi siya sumasagot at wala siyang balak na makipagusap rito. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Animo isang magnanakaw ang kumakatok na ayaw niyang pagbuksan. Magnanakaw ng puso ko. Hmp! Pinanglakihan siya ng mga mata ng madinig ang pagpihit nito sa seradura. Hindi niya pala na-I-lock iyon!
Dahil gawa sa matibay na kahoy ang sahig ng ikalawang palapag ng bahay ng mga ito ay dinig niya ang yabag ng mga paa nito habang papalapit sa kanya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at tahimik na huminga. Umalon ang kama at nadama niya na umupo ang binata sa kanyang tabi.
“Tulog ka ba talaga o nagtutulog-tulugan lang?”
Hindi na nito dapat pang malaman na tama ang hinala nito. Oh, tukso layuan mo ako! Ano ba ang balak nito? Bakit ito pumasok doon gayong alam naman nito na natutulog siya!
"Babe?" Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. Malalim iyon. Hanggang sa naramdaman niya ang palad nito na pinapasadaan ang hubog ng kanyang katawan. Huminto ito ng makarating sa kanyang baywang. Tumaas ang mga balahibo niya. Anong binabalak nito? O, Diyos ko! Mabuti na lamang at natatakpan ng mahabang kumot ang katawan niya. Hindi nito makikita ang reaksyon ng mga pasaway na balahibo niya dahil sa ginagawa nito.

BINABASA MO ANG
IT MIGHT BE YOU
FanfictionSharmagne Guevarra is considered as one of the most popular celebrities of her generation. She's an actress, a singer, a performer. She's the best on her craft. Kahit na sino ay nanaising makipagpalit ng pwesto sa kanya kung tatanungin. At her age...