CHAPTER XIX

1.9K 35 7
                                        

“HINDI mo pa rin ba ako kakausapin?”

            Hindi nagabalang lingonin ni Sharmagne ang nagtanong. Alam niyang si Gerson iyon. Nasa veranda siya ng bahay ng mga ito. Nagbabasa ng libro. Kung may maganda mang naidulot ang ginawang iyon ng binata, iyon ay ang mga ganoong oras na mag-isa lamang siya at malayang nagagawa ang nais.

            Kaninang tanghali ng dumating sila ay takang-taka siya kung bakit mukha naman’g masigla ang ina nito nang salubungin sila. Hindi ito kababakasan ng anoman’g sintomas ng malubhang karamdaman. Hindi siya pupwedeng manghula na lamang sa mga nagaganap kung kaya’t tinanong niya ito mismo. At tama nga ang hinala niya. Nagsinungaling si Gerson at idinamay pa ang kalagayan ng nanay nito! Dahil doon ay lalo siyang nagalit sa lalaki at simula pa kanina ay hindi na niya itong muling pinagaksayahan ng laway. At tanging ang nanay at yaya lamang nito ang kinakausap niya. Bagaman may pagtatakha sa mga tingin na ipinupukol sa kanila ng dalawang babae ay hindi naman nagtatanong ang mga iyon.

            Dinapuan niya ng tingin ang relo sa braso. Alas singko pa lang ng hapon pero madilim na kaagad ang paligid. Ganoon ba talaga sa probinsiya? Excited mag-gabi ang langit?

            Naramdaman niya ang paglapit ni Gerson at ang pag-upo sa katapat ng kanyang kinauupuan. May nakapagitan sa kanila na maliit na lamesa na yari sa mahogani.

“Sharmagne.” tawag nito sa kanyang pangalan. May lamig sa tono ng pananalita nito.

Bahagya niyang iniangat ang tingin dito. Madilim ang mukha nito at nakatitig lamang sa kanya. Hindi niya pa rin ito kinibo at ibinalik ang tingin sa binabasa subalit wala na siyang maintindihan roon. Natuon na ang atensiyon niya sa binata.

“Why won’t you talk to me? Hey!”

            Sumimangot siya. Ilang oras itong nawala at wala man lang paalam-alam sa kanya, pagkatapos ay ganoon siya nito kung kausapin? Kahit hindi niya ito pinapansin ay dapat lamang na ipaalam nito kung saan ito paroroon upang kung kakailanganin niya ay mahahanap niya ito kaagad. Pero ni ha ni ho wala!

Wala pa man siyang kakilala roon. Ang Nanay Minda nito ay nagpunta sa kabilang bario dahil magnininang raw ito sa kasal. Kasama rin nito si Yaya Cecil. Gusto sana niyang sumama upang makadalo naman ng kasalang probinsiya. Subalit hindi pumayag si Gerson. Ano raw ba ang akala niya, bulag ang mga tao roon at di siya makikilala? Napahiya siya kaya’t hindi na lamang siya umimik. Mas lalo lamang nitong dinagdagan ang kabwisitan niya rito!

“Sharmagne, ano ba!” Ikinabigla niyang ang pagtataas nito ng boses.

            Hindi siya nagpadaig rito. Pabagsak niyang inilapag sa lamesa ang libro. “Sinisigawan mo ba ‘ko?”

Tila tumimo naman rito ang ginawa. Ang kaninang nakakunot nitong noo ay paunti-unti ng nawala. “No. Sorry.”

Umahon na siya sa pagkakaupo. Sa kwartong laan na lamang sa kanya siya mananatili upang hindi na ito makita. Bakit ba hanggang ngayon ay panay lamang ito paghingi ng paumanhin? Tila napakahirap naman yata rito ang magpaliwanag. Dalawang utang ng pagpapaliwanag na ang kailangan nitong gawin. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nito iyon ginagawa. Alangan namang siya pa ang magsabi rito? No way!

            Hahakbang pa lamang siya subalit naabutan na siya kaagad ni Gerson at humarang ito sa kanyang daraanan. “Padaanin mo ‘ko.” utos niya rito.

“No.”

Nakipagtitigan siya rito. Siya rin ang nagbawi ng mukhang wala itong balak alisin ang tingin sa kanya.

“Gerson, please. I’m tired of this. Panay ka sorry. Ano ba gusto mong gawin ko sa sorry mo? Isampay?” Dapat na siguro nito malaman ang laman ng isip niya. Naiinis lang siya lalo habang nagtitimpi pa rito.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon