CHAPTER III

2.3K 19 1
                                    

HINDI tinitigilan ni Gerson ang pagtitig kay Sharmagne. Ipinapahalata naman niya iyon sa dalaga. Natutuwa siya sa reaksyon nito. Halatang nagpipigil lamang ito ng inis dahil marami silang kasama sa loob ng conference room.

            Hindi niya alam na may makakatambal pala siya sa gagawin niyang TVC. Ang buong akala niya ay solo endorsement lamang iyon. Walang binanggit si Becky sa kanya. Marahil alam nito na magrereklamo siya. Sapagkat alam naman nito ang hiling niya na huwag na muna siyang itambal sa kahit na sinong artista. Hindi sa nag-iinarte siya, ayaw lamang niya na may masabi na naman ang mga myembro ng showbiz media na halata ang pagtira sa kanya. Lalo na ang showbiz host and writer na si Gio Daza. Ang baklang iyon ay panay ang paninira sa kanya. Palibhasa ay paborito nito ang ex-girlfriend niyang si Katerina. Sigurado naman siya na nalaman nito na siya ang nakipaghiwalay kaya doon na rin nagumpisa ang mga mapanirang write-up nito patungkol sa kanya. Maybe some of those were true, but mostly were plain defamation.

            Hindi siya kailanman nagsalita para ipagtanggol ang sarili dahil kahit paano naman ay nirerespeto niya pa rin si Katerina. Hindi na rin big deal pa sa kanya ang anumang aligasyon sa kanya at wala siyang pakialam sapagkat alam niya kung ano ang totoo. Subalit bilang artista ay kailangan niya maging malinis sa mata ng masa. Kahit alam niyang wala naman siyang dungis na dapat linisin ay kinakailangan niyang sundin ang payo ni Becky.

            Nang tawagan niya ang kanyang manager ng malapit na siya sa location ay doon lamag niya nalaman na makakatrabaho niya si Sharmagne Guevarra.. Kahit pa nga hindi niya nais na magkaroon ng “involvement” sa kahit na sinong artistang babae ngayon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kasabikan ng sabihin ni Becky na ito ang makakasama niya sa gagawin niyang TVC.

            Noong huli niya itong makita ng personal ay tatlong buwan na ang nakakaraan. Sa isang event ng isang na clothing company na pareho nilang sponsor. Parati ay sa TV na lamang niya ito namamataan. Ngayon ay magkakasama silang muli sa isang proyekto. Galit pa rin kaya ito sa kanya dahil sa nangyari noong unang beses na magkatrabaho sila? Sa palagay niya ay oo, base pa lamang sa mga matatalim na sulyap nito sa kanya ngayon. It makes him feel guilty if she still feels that way towards him. But somehow, the thought of being able to work with her again made him feel a bit pleased.

            “Uh, Gerson, are you with us?”

            Untag kay Gerson ng commercial specialist na nasa harapan nila. Hindi niya napansin na kinakausap pala siya nito.

            “Huh? Yes, yes. Of course.”

            Ngumiti ito. “Mukhang wala yata sa planeta natin ang best actor natin ah.”

            Nagsipagtawanan naman ang lahat na nasa loob ng conference room.

           Pagak siyang tumawa. Nahihiya na nahuli yata siya nitong nakatitig kay Sharmagne. Kanina ay bumabanat siya ng mga pick-up line sa babae kahit na alam niyang napipilitan lamang ito na tanungin siya ng Bakit? Samantalang ang mga kasama nila ay kinikilig at tinutukso pa sila.

           Ngayon ay seryoso na ang usapan at ang pagpansin sa kanya ng specialist ay nagpatuon ng pansin ng lahat sa kanya.

           Pagsulyap niya kay Sharmagne ay ngumisi ito at inirapan siya.

           “Sharmagne, mabuti at hindi ka natutunaw.” Baling naman ng babae sa dalaga.

       Doon siya bumawi. “Hindi ko po hahayaang matunaw siya. Ako yata ang matutunaw kapag tinititigan niya.”

           “Yiheee!” magkakapanabay na tudyo ng lahat.

Ganoon na lamang ang pamumula ng mukha ni Sharmagne. Hindi niya alam kung dahil ba kinilig ito ito o lalong nabwisit sa kanya.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon