CHAPTER IV

2.2K 26 4
                                        

“GOOD MORNING, GERSON!”

            Bati kay Gerson ng mga babaeng myembro ng isang sikat na dance group na nakasalubong niya habang papunta sa practice ng on-going TVC nila ni Sharmagne. Ang studio na pageensayuhan nila ay nasa compound rin ng kanilang mother network. Ang ABSAMTV.

“Good morning ladies!” As usual. The charm he has never failed to excite any girls. Hindi itinago ng mga ito ang kilig sa reaksyon ng batiin rin niya.

            Pagpasok niya sa rehearsal area ay namataan niya kaagad ang kanyang handler na si Caloy. Hindi siya mababantayan ng kanyang manager sapagkat may importante itong pinuntahan.

            “Why are you here?” tanong niya sa lalaki.

“Why am i here?”

Tumango siya.

“Kasi ho yata handler n’yo ho ako kaya ho ako nandito ho.” pilosopong sagot nito.

            “What am i? 7 years old?” Pagak siyang tumawa. “Practice lang ‘to. Hindi rin naman ako pagkakaguluhan ng mga ‘yan.” tukoy niya sa ilang mga dancer na naroroon pa sa loob. “Sawa na nga yata sa akin ang mga ‘yan eh.”

Poker face lang ang lalaki. “Funny. Naninigurado lang si Becky na sisipot ka rito.”

“I was here on the first rehearsal, remember?”

Nagkibit balikat ito. “Baka lang kasi sumpungin ka at magpasaway ka na naman. Pinatingin ka lang sa akin ni Becky.”

            “Well, I’m here. See? In the flesh.” inilahad niya pa ang magkabilang braso.

Pinakatitigan pa muna siyang maigi ng kanyang handler. “Sige. Text mo na lang ako kapag tapos na kayo ha. May photo shoot ka pa mamaya.” Tinapik siya nito. “Puntahan ko lang si Natalie.” tukoy nito sa isa sa mga alaga rin na artista.

“Sure.” He smirked.

            Pagkaalis ni Caloy ay lumapit na siya kay Arthur, isa itong sikat na choreographer. Ito ang choreographer nila para sa modern jazz-hiphop na sayaw na pinagaaralan nila ni Sharmagne para sa shooting ng kanilang TVC na gagawin na next month.

Ikalawang beses na nilang pagpapractice iyon. Dahil pareho silang busy ng dalaga sa kanya-kanyang mga aktibidades ay tatlong beses lang sila magkakaroon ng schedule kabisaduhin ang sayaw na itinuturo sa kanila.

Ang konsepto ng buong patalastas ay nabago kamakailan lamang. Pinalitan na ito na animo isang modern-day fairytale na setting na ang kwento ng pag-iibigan ng dalawang tao ay idaraan sa mapapagitan ng sayaw. Hindi raw iyong tipo na nagkakilala lang sa grocery store ay naghalikan na.

He can still remember the look on Sharmagne’s face when he joked about the kissing part. “Parang gusto ko yata ‘yong kissing scene sa grocery store. Sana may gano’n ding eksena.”

Namula na naman ito n’on. Nakitawa rin ito sa mga kasama nila ngunit ramdam niyang plastik na plastik iyon. At kulang na lamang ay masaksak siya sa sobrang talim ng sulyap nito. Hindi siya mapang-asar na tao lalo sa babae. Pero kapag nakikita niya kung paano siya supla-supladahan nito ay ‘di niya mapigilan ang sarili na tuksuhin ito sa kanya sa harap ng maraming tao. Upang lalo itong maasar.

Hanggang  sa ngayon ay hindi niya pa rin maisalarawang diwa ang magiging hitsura ng kanilang magaganap na TVC kahit naipaliwanag na noong nagkaroon ulit sila ng meeting. The reason perhaps is because he isn’t the romantic type. He knows he’s a sweet guy. Madalas rin sabihin iyon sa kanya ng mga nakakasama niyang babae. Pero hindi siya ang tipo na mag-aaksaya ng oras mag-isip ng mga corny’ng bagay para sa babae. Sadyang hindi lang siya ganoon.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon