TINOTOO nga ni Gerson ang pag-akto nito bilang driver ni Sharmagne. Kung minsan ay napapatawa siya sa tuwing may makakakita rito at magtatanong sa kanya kung ang driver raw ba niya na bigotilyo ay si Gerson Adams. Hindi siya makapagsinungaling kaya't si Ryan ang sumasagot at tinatanggi nito na ang driver niya for the day ay hindi si Gerson. Magaling rin umarte ang kanyang kaibigan. Mas lalo lamang tuloy siya natatawa kapag umaacting na ito sa pagiging indenial. Ang tiyahin niya naman ay tila walang pakialam sa paligid nito at hindi na lamang nagkukumento pa.
Huling lakad na nila para sa araw na iyon at alas kuwatro pa lamang ng hapon. At natutuwa siya dahil ibig sabihin lamang ay may oras pa sila ni Gerson para magkasama ng walang distorbong trabaho niya. Hindi nga lamang niya maisatinig ang excitement sapagkat baka isipin ng mga kasama niya lalo ng binata na masyado siyang atat. Abah! Eh hindi naman siya makapapayag na magmukhang dead na dead sa nobyo.
"Saan po tayo mga ma'am?" Tanong ng binata ng makasakay na sila ni Ryan sa loob ng van. Puno iyon ng kanyang mga damit at kagamitan kaya naman sa ibang sasakyan nakasakay si Tita Demi at ang kanyang assistant.
"Sa langit! Dalhin mo ako doon. Ngayon na! Sharmagne, maiwan ka rito." biro ni Ryan na ikinatawa naman nilang dalawa ni Gerson. "Kayo ha. Pinahirapan n'yo ako umarte para lang maniwala sa akin 'yong mga nagtatanong kung ikaw ba si Gerson."
"Sorry. I'll treat you to dinner na lang," ani Gerson sa kanyang kaibigan habang nagmamaneho.
"Talaga? Tayong dalawa lang ha?" Malanding sabi ni Ryan.
"Hoy! Kasama ako diyan." singit niya.
"'Wag na. I don't need chaperone." Maarteng tanggi ni Ryan.
Pinisil niya ito sa braso habang tumatawa. "Sige ka isusumbong kita sa jowa mo."
Namilog ang singkiting mga mata ng kanyang kaibigan at lumayo mula sa pagkakasandal sa likod ng driver's seat. "Naku. Marunong na mangblackmail porke naakit sa akin ang jowa niya..." ismid nito sa kanya.
Pinisil niya itong muli. Sa tagiliran naman. "Hindi kaya."
"Hmp! Baka gusto mong... lumipat na lang sa tabi ng driver natin?" biglang napalitan ng panunudyo ang tono ng pananalita ni Ryan.
Nag-blush naman siya kaagad sapagkat naisip niya rin gawin iyon kanina. Lamang ay nahihiya siya.
"Thank you for suggesting that Ryan," magiliw na sabi ni Gerson rito.
"O, englisher pala ang nakuha mong driver. Merrganon?!" Natatawang puna nito.
Napapahiyang natatawa naman siya sa kaibigan kaya't pinisil na naman niya ito sa braso. Napalalim yata sapagkat nag-react na ito. "Aray! Kanina ka pa ha. Sige lumipat ka na riyan," tinapik pa siya nito tanda ng pagtaboy sa kanya sa tabi nito mula sa backseat ng sasakyan. "'Yang driver natin ang pisil-pisilin mo,"
"Ayaw ko nga," tila bata na tanggi niya.
"Arte pa? Sure ka ayaw mo? Sige ako na lang pipisil, papapakin ko na rin." aktong aahon na ito sa pagkakaupo nang pigilan niya.
Si Gerson naman ay madirinig lang ang pagtawa sa usapan nila ng kaibigan.
"'Wag na. Ako na. Baka ubusin mo pa," natatawang umahon na siya sa pagkakaupo at bahagyang yumuko upang makalipat sa passenger's seat.
"Baka mauntog ka," babala ni Gerson sa kanya.
Nakatinginan niya pa ang binata sa rear-view mirror. "No. I'm okay." At maayos nga siyang nakaupo sa tabi nito.
"Saan mo gustong kumain?" tanong nito sa kanya.
"Akala ko ba ako ang ililibre mo ng dinner fafa Ge?" maarteng reklamo ni Ryan sa likuran.
BINABASA MO ANG
IT MIGHT BE YOU
FanfictionSharmagne Guevarra is considered as one of the most popular celebrities of her generation. She's an actress, a singer, a performer. She's the best on her craft. Kahit na sino ay nanaising makipagpalit ng pwesto sa kanya kung tatanungin. At her age...
