CHAPTER XXIX

1.5K 37 8
                                    

PARATI ay sumasagi pa rin sa isip ni Gerson ang mga pinagsamahan nila ni Sharmagne. Kung gaano sila kasaya noon at kung paanong sa isang iglap ay nagbago ito. Hindi siya ipokrito upang hindi aminin sa sarili na mahal niya pa rin ang dalaga.

Naisin man niya itong makita kahit na sandali subalit pinapangunahan ng ego niya bilang lalaki ang kagustuhan ng puso niya na masilayan man lamang sana ito. Sa makalawa ay lilipad na siya papunta ng Brazil. Doon na muna siya magbabakasyon sa bahay roon ng kanyang ama. Ilang linggo marahil na mananatili siya roon. Kailangan rin niyang lumayo upang mawala na ang atensiyon sa kanya ng media. Kailangan niyang magpalamig. Hindi man masasabing big deal ang naging issue sa kanila ni Sharmagne ay hindi pa rin niya matanggap na ganoon-ganoon na lamang itong nawala sa kanya.

Utos lamang naman ng management na pagkunwariin na itinigil na niya ang napapabalitang panliligaw niya sa dalaga -sapagkat magpasa hanggang sa panahong iyon ay hindi nalaman ng mga ito na nagkaroon na sila ng relasyon- kaya laking pagtatakha niya ng totohanin naman ni Sharmagne ang pag-iwas sa kanya. Sa mga mata lamang ng media nito dapat gawin iyon, hindi sa mga mata niya.

Walang kahit anong maayos na rason o simpleng sulat man lang na nagsasabi na nakikipaghiwalay na ito sa kanya o kung ayaw na talaga nito. Kung hindi pa siya nangulit at pinilit itong makausap ay hindi niya pa malalaman ang dahilan nito. All he wanted was to save the relationship they had. Ngunit kahit yata pagkakaibigan ay hindi na nais ibigay sa kanya ng dalaga. Hanggang sa nalaman niya rito kung bakit sila humantong sa ganoon.

Pinagsawaan na siya nito. Nagsawa na si Sharmagne Guevarra sa kanya. At siya na si Gerson Adams ay naging katawa-tawa sa mata ng babae. Hindi siya makapaniwala noong una. Subalit sa bibig na mismo ng babae nanggaling ang mga salitang iyon. At naghihimagsik ang kalooban niya sapagkat wala siyang nagawa upang isalba ang ego niya.

Naihilamos niya ang magkabilang palad sa mukha. Pilit iniaalis sa isip ang maamong mukha ng dalaga. Maamo. That's what he thought about her until that night. Ibang Sharmagne ang nakita niya.

Tinapik siya ni Becky sa kanyang balikat. "Gerson, are you ready?"

Sinulyapan niya ito. "Yes." Tipid siyang ngumiti.

Pinasadaan siya nito ng tingin. Tiningnan niya ito mula sa salamin ng dressing room. Nakaupo siya roon at hinihintay na lamang na ma-i-set na siya. "What?" natatawang tanong niya sa manager.

Umiling ito habang pangiti-ngiti. "Kapag talaga malaya na eh pagwapo ng pagwapo ano?"

Nagtaka man sa tinuran nito ay nakisakay na lamang siya. "Of course." He grinned.

Nang mapasulyap siya sa ibang artista at reporters na naroroon rin ay nakatingin ang mga ito sa kanya. Ang iba ay tila naiinis at ang iba naman ay nakangiti. Binalewala na lamang niya ang mga ito. They wouldn't know a single thing.

Maya-maya lamang ay isasalang na siya para sa kanyang huling live interview sa The Buzz bago siya umalis. Gusto niyang isiwalat roon ang lahat ng kanyang nadarama. Kung hahayaan sana siya.

"SHARMAGNE, ayos ka lang ba?" Untag ni Demi kay Sharmagne.

"Oo naman po Tita," Nginitian siya ng pamangkin ngunit bakit tila pakiramdam niya ay malungkot pa rin ito?

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na bigla na lamang tatahimik ang dalaga o di kaya ay kung minsan ay tulala at tila may malalim na iniisip. Kung tatanungin naman niya ay parati nitong sinasabi na napapaisip lang ito sa mga trabaho. Hindi siya ipinanganak kahapon upang hindi mapagtanto kung ano ang tunay na gumugulo sa isip ng pamangkin. Walang iba kundi si Gerson.

Kung tutuusin ay dapat siyang matuwa na naghiwalay na ang kanyang pamangkin at ang lalaki. Kung tutuusin ay dapat na masaya siya sa pag-amin ng dalaga na tama siya at mali ito. Subalit hindi ganoon ang naging lagay. Animo siya ay nahahawa na rin sa pamangkin. Higit kanino man, siya ang pinakaapektado sa nararamdaman ng dalagang inaruga at itinuring na parang anak.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon