CHAPTER XV

1.7K 25 9
                                        

ILANG sandali ang nakalipas ay naakyat na nila Gerson ang tuktok ng gusali ng restaurant na kanyang napili para sa espesyal na gabing iyon.

“This way ma’am, sir.” nakangiting iginaya sila ng waiter patungo sa nag-iisang lamesa roon.

Napahinto si Sharmagne at napakapit sa kanya. Nang balingan niya ito ay nakita niyang naroon pa rin ang pagtatakha sa ekspresyon ng mukha nito habang nakatuon ang tingin sa nag-iisang lamesa na naroon. Tumingin ito sa kanya. “Please don’t tell me there’s isn’t really a manager-talents ball tonight.”

Nginitian niya ito. “Are you disappointed?”

“Is... Is this what i think it is?”

Hinaplos niya ang baba nito. “Yes.”

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa waiter na naghihintay na sa kanila. “Whew. O-Okay!”

“Shall we?”

Tumango lamang ito at lalong kumapit sa kanyang braso.

Naglakad na silang muli palapit sa lamesa at siya na ang umalalay rito hanggang sa makaupo.

            Sinalinan ng red wine ng waiter ang mga baso nila ng dalaga. “I’ll return in fifteen minutes sir. For your dinner.” anunsiyo ng waiter sa kanila.

“Okay. Thank you.” aniya.

“Enjoy your night. Ma’am,” tumingin rin ito sa dalaga na sinuklian naman din ng ngiti ni Sharmagne. “Sir.”

Hanggang sa makababa na ang lalaki ay wala sa kanila ng dalaga ang nag-uumpisang magsalita. Inililibot lamang nito ang tingin sa pagkakaayos ng roof deck. Natutuwa siyang makita sa mga mata nito na masaya ito sa nakikita sa paligid. Mabuti na lamang at napapayag niya ang may-ari ng naturang restaurant na arkilahin ang roof deck nito para sa gabing iyon. Napakiusapan niya ito na ayusin iyon para sa dalawang tao lang. Sapagkat ginagamit rin iyon na pinagkakainan ng mga parokyano. May kamahalan ang siningil sa kanya. But he wouldn’t mind. All for this beautiful woman in fron of him.

            “I’m sorry i had to connive with Ryan about this dinner date. You know we are forbidden to talk for the last three days.” Pangunguna na niya. Pasulpot-sulpot ang kaba sa kanyang dibdib. Sa tuwing nagkakatitigan sila ni Sharmagne ay kusa na lamang nagpapapalpitate ang puso niya. Inisang lagok niya ang baso ng wine sa kanyang harapan.

“Ano naman ang naisipan mo at ginawa mo ‘to?” walang karea-reaksyon ang mukha nito sa pagkakatanong sa kanya.

“I wanted to make up to you. Are you still mad at me? For not showing up at your show?”

Lumabi ito. Pinagmasdan rin siya. “Parang hindi na yata.” saka sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

Tila siya nabunutan ng tinik na malamang hindi na ito nagtatampo sa kanya. At muli na naman’g namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Minamasdan lamang niya ang mukha nito. Napansin niyang nailang ito at umiwas ng tingin. Inabot nito ang baso ng wine at ininom din iyon. Halos masamid ito.

Nag-alala naman siya sapagkat namula ang mukha nito. “Do you drink?” stupid question. Sympre hindi ito umiinom. Alam niya iyon. Bakit ba naisipan pa niyang magsama ng alak sa napili niyang menu.

“P’wede naman itong wine. Hindi naman masyadong matapang. Nasamid lang talaga ako.” paliwanag nito. Ngunit kabaligtaran ng reaksyon nito kanina na parang paklang pakla sa nainom.

Bumuga siya ng hangin. “Though you’re not asking me... I would love to explain my side on that incident, baby girl.” nagtatanong ang mga tingin niya rito kung hahayaan siyang ipaliwanag ang panig niya.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon