CHAPTER VIII

1.8K 23 12
                                    

ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Gerson.

            Gabi na siya nakauwi sapagkat doon lamang natapos ang unang araw ng taping ng TVC. It was a long day. Humaba pang lalo dahil kibuin dili na naman siya ni Sharmagne. Naiinis siya sa sarili na nakaramdam siya ng pagkainis para sa dalaga. Ilang araw lang ang nakalipas nang gabing alagaan siya nito ay sobrang bait pa nito at napakamaaalalahanin. Tila kay bilis magbago ng mood nito. Nagbalik na naman sa dating pakikitungo sa kanya. At ano man ang pilit niya rito na sabihin sa kanya ang rason kung bakit ito nagkakaganoon ay tigas pa rin ito na huwag siyang kausapin.

            Hinubad niya ang kamiseta, pinasadaan ng tingin ang tila magkakapasa na niyang balat. Ang tindi ng pagkakakurot sa kanya ni Sharmagne kanina. Hindi niya akalain may ganoong klaseng pwersa pala ito.

            Hanggang ngayon ay laman pa rin ng isip niya ang mga inakto ng babae. Muli na naman siyang huminga ng malalim. Ayaw niyang maapektuhan ang trabaho nila. Ayaw niyang masira iyon ng ‘silent war’ nila ng dalaga. Ngunit pakiramdam niya ay sa pagiging propesyonal nito ay hindi iyon mangyayari; tila siya pa ang mas nag-aalala. Mas gusto niyang makita ang Sharmagne na nakangiti sa kanya.

            Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kutson. Tagos ang tingin sa kisame ng kanyang kuwarto. That woman... Bakit ba hindi ito mawaglit sa isip niya? Bakit hindi siya mapakali? Hindi naman siya dapat maapektuhan ng pakikitungo nito dahil isang trabaho lamang naman ang dapat na mamagitan sa kanila. Marahil ay nais lamang niya itong maging kaibigan. Sa palagay niya ay napakabuting tao nito bagaman may katarayan at hindi niya sigurado kung sa kanya lamang ba ito ganoon.

            Akala niya kanina ay mahuhuli na siya sa taping at di na maaabutan si Sharmagne sa dressing room nito kaya ipinagpasalamat niya na naroon pa ito at tanging si Ryan lamang ang kasama.

          Bago siya umalis ay nakipagkita pa sa kanya si Betina. Ayaw na sana niyang kitain pa ang babae ngunit nagpumilit ito at sinabing iyon naman na rin ang huli nila nitong pagkikita. She knows the rule. Alam nito kung hanggang saan lamang sila. Kung hanggang kailan lamang ito makakapagdemand sa kanya ng oras. At tinapos na niya iyon.

            Tila nais pa nitong patagalin ang pakikipaghuntahan sa kanya nang kaninang nasa isang coffee shop sila, kung hindi lamang niya sinabi rito na kailangan na niyang umalis. Nakisabay pa ito sa kanya ng malaman nito kung saan siya patungo. Doon rin daw sa building na iyon ang punta nito. Isinabay na niya ito. May sasakyan ito ngunit hindi yata nito dinala ng tanghaling iyon. At wala na rin siyang balak na tanungin pa ito.

            Nang makarating na sila sa gusali at maiparada ang kanyang sasakyan ay agaran siyang lumabas mula doon. Daglian rin itong umibis at dinaluhoy siya ng halik. Itinutulak niya ito subalit ikinawit pa nitong lalo ang braso sa batok niya. Napwersa siyang lakasan ang paghila sa mga braso nito palayo sa kanya. Sapat upang mapabitiw na ito.

            “What do you think you’re doing?!” Galit niyang tanong sa babae. Habol ang kanyang hininga.  Luminga-linga siya sa paligid upang siguraduhan na walang nakakita sa kanila nito sa ganoong tagpo. Wala naman siyang nakitang iba pa roon maliban sa kanila.

“I’m sorry.” yumuko ito. “I just wanted to be sure if you have feelings for me, too.”

“You know what’s going on between us Betina.” Tiim-bagang niyang sabi rito.

Tumaas na ng tingin sa kanya ng babae. “So, i’m still one of your sluts huh?” galit na rin ang mga mata nito.

“That’s not true.” Hindi siya ganoon kabastos upang ituring ito o kung sino man sa mga naka-fling niya bilang isang kalapating mababa ang lipad.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon