MATAPOS kumain ay nagkayayaan sina Sharmagne na magvideoke. Mayroon siyang videoke room sa kanyang bahay. Naroon siya kasama ang kanyang mga bisita. Si Ryan ang panay ang kanta. Anito ay natutuwa ito sa presensiya ng dalawang lalaki. Nakakabuhay raw ng ‘pagkababae’ nito.
Kumakabig rin siya ng awitin ngunit nakakadalawang kanta pa lamang siya. Naiilang siya sa tuwing pupwesto siya sa elevated platform na siyang nagsisilbing stage ng videoke room at makikita lamang niya sa kanyang harapan kung paano siya pagmasdan ni Gerson habang nakahalukipkip ito at nakaupo. Napakaseryoso pa rin ng aura nito hanggang sa mga oras na iyon na naguumpisa na niyang kantahin ang ikatlo niyang videoke song. Ayaw man niya ay natural na pilitin siya ng mga ito na umawit. Siya ang singer, eh.
Mukhang hindi ito nasisiyahan sa company nila ang binata pero hindi naman ito nagpapahiwatig na nais na nitong umuwi. Animo lamang ito supervisor na nagmamatyag sa kinikilos nila.
May iilang pagkakataon na nakikipagbiruan ito kay Ryan at kay Mark Lloyd pero sa tuwing titingin sa kanya ay bigla itong sumeseryoso. Galit pa rin ba ito dahil nasipa niya ito sa ilalim ng mesa kanina? Hindi naman niya iyon sinasadya. Kung nagseselos ba ito ay hindi niya pa rin alam. Alangan naman tanungin niya ito? Eh di asumera na naman ang labas niya n’on. Subalit ang sabi ni Ryan ay sigurado raw ito na selos ang nakikita nito sa ikinikilos ng binata. Pagselosin pa raw niya. Sinusubukan naman niya, gaya ngayon.
“Tatay..” tawag niya kay Mark Lloyd. Napansin niya kanina nang nasa komedor pa sila ay lalong sumisimangot si Gerson kapag tinatawag niya na ‘tatay’ ang una. Ayun ang isa sa mga ebidensiya niya na baka nga tama si Ryan. Kaya hayun siya ngayon at ganoon na naman ang itinawag sa kaibigan. “Lika sabayan mo ako rito. Duet tayo.” She poses her sweetest smile. Nagpacharming pa siya kunwa.
Napansin niya ang malalim na pagbuntong hininga ni Gerson. Isang indikasyon na umeepek ang estratehiya nila ni Ryan.
“Mamaya na nanay,” Natatawang sabi naman ni Mark Lloyd na lalo niyang ikinasaya. “Gerson, why don’t you sing with Shars.” biglang suhestiyon ng lalaki.
Hindi niya iyon inaasahan. Dapat ay ang sarili na lamang nito ang ibinoluntaryo nito upang mas makadagdag sa pakana ni Ryan.
“Ay, ‘wag na siya. Ikaw na lang! Tatang naman!” natensiyon siya. Bagaman duda niyang papayag si Gerson. Hindi ito mahilig kumanta. Mahiyain ito pagdating sa pagawit sa harap ng ibang tao. Subalit ano’t nakangisi ang lalaki?
“Sure.” saad nito. Saka umahon mula sa pagkakaupo. Dinalawang hakbang lamang nito ang paglapit sa kanya. Agad itong tumongtong at tumayo sa tabi niya. Maliit lamang ang sukat ng elevated platform na iyon kaya’t halos magkalapit na sila.
Pumalakpak naman si Ryan hindi pa man nagsisimulang umawit ang lalaki. Tingnan mo ‘tong baklang ito! Binigyan niya ng naninindak na sulyap ang kaibigan. Pinapagselos nila si Gerson pero hayun ito at kung makapalakpak ay animo kilig na kilig na.
“Ay dejavu! Parang nangyari na ito!” Bulalas nito sa malanding tono.
Tila nangyari na nga ang eksenang iyon noon. Ang pagkakaiba lamang ay wala siya sa harap, ng mga panahong iyon. Hahakbang pa lamang sana siya pababa ay kaagad nahawakan ni Gerson ang kamay niya. “And where do you think you’re going baby girl?” May pilyong ngiti ang nakarehistro sa gwapong mukha nito.
“Huh? Eh,papanoorin ka. Sige kanta ka na diyan.” Binabawi niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito subalit ayaw nito iyong pakawalan.
“Kaya ko rin naman kumanta. Bakit si Mark Lloyd ang inaaya mo?” mahina ngunit mariin na tanong nito sa kanya. Bahagyang ng nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
IT MIGHT BE YOU
FanficSharmagne Guevarra is considered as one of the most popular celebrities of her generation. She's an actress, a singer, a performer. She's the best on her craft. Kahit na sino ay nanaising makipagpalit ng pwesto sa kanya kung tatanungin. At her age...