Chapter 36

4.5K 133 61
                                    

Chapter 36

My Queen

Nagising ako sa malakas na pagyugyug ni Yesha sa akin na parang nagmamadali o kung may anong importanteng gustong sabihin. Panay pa ang tili niya na siyang nakakarinding pakinggan. Nanaliksik ang mga matang ipinukol sa kaniya dahil sa biglang inis na naramdaman ko ng bigla niya akong ginising.

"What, Yesha?! Can't you see that I am sleeping?!" I can't help but yell at her dahil sa inis na nararamdaman.

Masama na nga ang loob kong natulog kagabi tapos ngayon hindi pa maganda ang gising ko dahil sa pang-iistorbo ni Yesha sa akin. Does this mean that I am going to have a bad day the whole day?!

"OMG! Why you didn't tell us?!" naghihisterikal niyang wika sa akin at nagtatalon-talon pa.

Tamad akong umupo galing sa pagkakahiga at hanggang ngayon ay nanaliksik pa rin ang mga mata ko sa kaniya. Pero para siyang walang pakialam sa masamang tingin na ipinupukol sa kaniya at patuloy pa rin na nagtatalon sa harap ko.

"What, Yesha?! You're disturbing my sleep!"

"Go and fix yourself! You have a visitor!" Hindi pa rin siya makalma dahil sa bawat galaw niya ay may halong talon-talon ito.

Ako ay nahihilo sa ginagawa niya kaya naman ay pinagalitan ko ulit siya. "Jesus, Yesha! Can you stop moving around? Nahihilo ako sa ginagawa mo!" sigaw ko ulit, "at anong bisita? I don't have a visitor. Hindi nga ako lumalabas ng bahay simuala nang dumating ako dito tapos may bisita?!"

Kinalma niya ang sarili pero ang mga ngiti na nakapaskil sa labi niya ay parang clown na hindi maalis-alis. Parang tanga ano ba ang dahilan at bakit ginising ako nito.

"Anong oras na ba at bakit mo ako ginising ng ganito ka aga ha? Siguraduhin mo lang na worth it ang rason mo kun'di kahit kapatid kita 'di talaga kita papansinin," pagbabanta ko sa kanya.

I need to sleep more!

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtakip ng kumot. Hindi ako alam kung ano ang dahilan ni Yesha pero kung ano man 'yan ay matutulog pa rin ako! Kailangang maubos ang lahat ng sama ng loob ko dito sa puso ko bago ko simulan ang araw ko!

Nang ipipikit ko na ang mata ko ay bigla namang hinila ni Yesha ang kumot ko at itinapon 'to kung saan na lamang. Hinila niya ang mga kamay ko at pilit na pinapabangon ako.

"Dali na kasi ate... fixed yourself at bumababa ka na may bisita ka nga na naghihintay sa'yo!" pamimilit niya sa akin. Pero dahil sa mabigat ako ay hindi niya ako napabangon.

"Yesha! Ano ba! Bisita siguro 'yan ni mama at papa. Sila ang tawagin mo at hindi ako!"

"Ehhh... sige na ate bumaba ka na 'di ka magsisisi kapag nakita mo na kung sino ang naghihintay sa'yo sa labas," ngisi niya sabay taas-taas ng dalawa niyang kilay.

I rolled my eyes and heaved a sigh. Tamad akong bumangon at tiningnan pa rin ng masama ang kapatid. Nang nakita niya na unti-unti na akong gumalaw ay mas lalong lumawak ang mga ngisi niya.

"You look weird. Don't smile like that it creeps me out," kunot noo kong wika sa kaniya.

"Basta dali na ate! Fixed yourself ako na pipili ng susuotin mo!" She even pushed me inside the bathroom and closed the door.

Wala na akong nagawa at sinunod na lang ang utos niya. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at ngumiwi ng makita kung gaano ka laki ang eyebags ko. I cry to sleep last night kaya ganito na lang kalaki ang alaga ko. Laking pasasalamat ko na lang at hindi napansin ni Yesha dahil na rin siguro sa sobrang hyper niya sa pagpapagising sa akin.

In Your Arms ( Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon