Chapter 4

8K 437 259
                                    

CHAPTER 4

Drunk Text

It's a Friday night and my friends decided to came here on my apartment. Hindi pa kami masyadong tinatambakan ng requirements kaya, napag desisyunan nilang mag chill-out. 

My apartment is not that small nor big. Pero tamang-tama lang sa aming lima at nagkasya kami.

Gusto daw nilang mag sleepover sa apartment kasi matagal-tagal na ang last na sleep over. Kaya ayun, napag-isipan nila kanina lang.

Zenneth and Hannah were busy playing ML. Si Renaissa at Althea lumabas bumili ng alak. Kaya nag-aya matulog dito eh para maka- inom ng alak.

We're not that type of people who wants to enjoy in a bar. Mas na e-enjoy namin kapag nasa bahay lang kami and besides walang maghahatid sa amin kapag malalasing kami sa bar. In the end, Renaissa will take care of us.

Di nagtagal naka balik na ang dalawa. Si Renaissa bitbit ang mga alak, si Althea bitbit niya ang mga pulutan. Kumain muna kami bago magsimula sa pag iinom.

Renaissa and Althea prepared the drinks and food. May nakalagay na table sa gitna at kami ay naka pabilog.

Althea started drinking non-stop.  Tuloy tuloy lang ang pag tungga niya sa baso na binibigay sa kaniya ni Zenneth.

I looked at Hannah. Sila ang magkasama palagi ni Althea. Althea seems to have problem again. Kasi tinatanggap niya lang ang binibigay sa kaniya ni Zenneth.

"What happened to her?" I whispered at Hannah since magkatabi lang kami.

"Same problem," she answered then drink her drink from the glass.

"Na naman?"

"What do you expect? Head over heels ang kaibigan natin kay Marc. Isa na lang, at iisipin kong ginayuma siya ni Marc."

I chuckled, "Paano gagayumahin kung mismo si Marc ay hindi interesado sa kaniya."

"Hey. That hurts ah!" Napabaling ang amin tingin kay Althea na ngayon ay pulang-pula na ang mukha at masama kaming tini-tigan.

Renaissa beside me offer another drink, and I drank it. Ilang minuto palang kami dito pero nangangalahati na ang isang bote ng alak dahil kay Althea.

She's drunk now. Pulang-pula na ang mukha niya at hindi na maintindihan ang mga pinagsasalita niya.

"Where do broken hearts go," pagkakanta ni Althea na wala na sa tono. Halatang lasing na.

Wala na. . . Tinamaan na ng alak ang kaibigan ko.

"Sa sementeryo sis, ilibing mo," sagot ko na siyang ikinatawa ng lahat.

Kakanta siya tapos minsan magsasalita nang kung ano-ano.

Zenneth keep on laughing because of the words that Althea uttered. It is all about Marc na naman.

Umiling na lang ako at uminom ulit. Kung ano-ano na ang pinag-uusapan namin. Minsan pinagtitripan namin si Althea. Zenneth keep on taking pictures of her drunk state, para may pang blackmail siya kay Althea.

Hindi na namin namalayan ang oras at paubos na ang alak. Tumayo ako para kumuha ng tubig pero pagkatayo ko malapit na akong matumba at mabuti na lang inalayan ako ni Renaissa.

"Lasing na ba ako?" I closed my eyes and laughed without nothing to laugh of.

Damn. Umaalon na ang paningin ko at pagewang- gewang na lumakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at sinalin sa baso ko. Hindi ko alam kung pumapasok ba talaga ang tubig sa baso, dahil umaalon na talaga ang paningin ko.

In Your Arms ( Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon