Chapter 43Leave
Pagkatapos kong marinig ang ibinalita ng kapatid ko sa akin ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi makapaniwala sa balita niya. Nanginginig ang mga kamay ko na hawak-hawak ang cellphone ko at iniisip na sana panaginip lang lahat ng ito.
Ang mga hikbi ng kapatid ko sa kabilang linya ay siyang nagpasakit pa sa nararamdaman ko. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga nangyari ngayon. Masyadong mabilis na hindi man lang ako nakapaghanda. Masyadong mabilis ang pagbawi ng kasiyahan na nararamdaman ko.
Pinipiga ang puso ko sa mga hikbing naririnig ko galing sa kapatid ko...Hindi ko mawari ang sakit na nararamdaman ngayon. This day is too much for me... I just wanted to be happy. I just wanted everything to be back to normal, to the way everyone used to be—to the way I am used to be. Pero bakit ito ang ibinigay sa akin?
Is this the way of how the world would tell me that I don't deserve to be happy? Masyado ba akong naging masaya nitong nakaraang buwan para iparadamdam sa akin 'to? Na nakalimutan kong lahat pala may kapalit.
I just wanted to disappear... I wanted to disappear into this cruel world that does nothing but give me pain. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa matitiis ang nararamdaman kong ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
"Ate..." tawag ng kapatid ko sa akin sa nanghihinang boses. Hindi ko siya nilingon at nakakatitig lang sa lamay ng ina ko.
Everything happens so quickly. The next thing I know, I am here in the wake of my mother. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko pa rin kayang paniwalaan ang katotohanan na iniwan na niya ako. Na ang taong pinaka-ayaw kong mawala sa akin ay iniwan din ako.
Tangina... ang sakit ang sakit-sakit.
"Ate kumakain ka na. Tatlong araw ka ng hindi kumakain at tatlong araw ka na ring walang tulog," nag-aalala na wika ni Yesha sa akin.
"Wala akong gana," all I could reply to her.
Tatlong araw simula ng nangyaring pananakit niya sa akin at ang balitang narinig ko sa kapatid ko ay wala akong ginawa kun'di ang manatili sa kung saan ang aking ina. Sa tatlong araw na 'yon ay hindi ko na alam ang naging takbo ng buhay ko. Wala akong alam sa paligid ko.
Wala akong alam kung ano ang nangyayari sa mga tao sa paligid ko kung ano ang ginagawa nila kung masaya ba sila o kagaya ko rin na nagluluksa. Tatlong araw wala akong ganang kumain at matulog. Gusto ko lang makita ang mukha ng ina ko.
"Ate nag-aalala si papa sa'yo. Hindi mo raw siya pinapansin."
"Wala akong gana, Yesha. Iwan mo muna ako gusto kong mapag-isa," malamig na sabi ko sa kaniya.
"Pero ate kumain ka man lang kahit kunti. Hindi ko gusto na pati ikaw ay mawala rin sa amin, ate....Please take care of yourself too."
Ngunit hindi ko na siya pinansin at nanatiling nakatingin sa aking ina. Wala akong ganang kumilos, kumain at matulog gusto ko lang makasama ang ina ko.
That day, I didn't remember that it was my birthday because my mind was too occupied, yet my mother didn't forget it no matter how busy she was. She planned to surprise me that day which leads to where she is now.
I blame myself for her death... I blame myself because if she didn't plan to surprise me on my birthday, she wouldn't be in a car accident. She wouldn't be there lying in a coffin.
It's all my fault...it was all my fault that she's gone now.
Iniwan ko si Yesha at naglakad papunta kay mama. Habang papalapit ako sa kaniya ay biglang pumatak ang mga luha ko. She looks beautiful in her white dress—the white dress I gave to her.
BINABASA MO ANG
In Your Arms ( Med Series #1)
RomansaAfter experiencing several heartbreaks from her past. Henzy Neve Vasquez doesn't wanna risk her heart again for the third time around. Loving someone means pain for her as her experience in love doesn't give her the impression everyone has. She trie...