Chapter 48

4.6K 164 128
                                    

Dedicated to: BellyBelle14

Chapter 48

Tears


Umangat ang tingin niya sa akin pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Umawang ang kaniyang labi at halong-halong emosyon ang nakita ko sa kaniyang mga mata na tila hindi inaasahan na sasabihin ko 'yon sa kaniya. Ngunit ay wala akong pakialam sa nararamdaman niya.

He's being an asshole here, and he deserves it.

Pati ang mga kaibigan ko ay nagulat sa sinabi ko kaya hindi sila makaimik. Gulat na gulat kasi hindi nila inaakala na masasabi ko 'yon sa harap ni Reeve at sa harap nila.

He left me no choice.

He's too proud of himself just because he can buy expensive chocolate? Edi kainin niya ang binili niya at magpakasasa. He has no right to degrade, calling Ry cheap? Just because of Hershey's chocolate? May saltik na ba siya ulo, huh?

Ang mga mata ng mga nurses at ibang tao na malapit sa amin ay rinig na riinig ang sinabi ko kaya naman ay kinaladkad ko na si Ry papalayo doon.

"Are you okay?" Ang unang tanong ko kay Ry pagkatapos naming umalis doon. All eyes were on us. Dahil sa kumusyon doon kanina ay alam kong ma chi-chismis kami dito sa loob ng hospital.

Ramdam ko pa rin ang pagpipigil niya ng galit dahil sa mabibigat niyang hininga. The tension in his arms is still visible in my eyes.

If I wasn't able to stop him ay baka nagsuntukan na sila si Reeve at 'yon ang ayaw kong mangyari. Kalmadong klaseng tao si Ry at minsan lang siya maglabas ng galit at 'yon ay kapag napupuno na talaga siya at sa sinabi ni Reeve kanina ay alam kong nagalit na talaga siya.

Nakakainsulto naman kasi at ang gago lang niya para manghimasok sa amin kanina. He's being unreasonable.

"What the heck is his problem?" mariin niyang sabi at kinukuyom ang kamao na parang nakikita niya pa si Reeve sa harap niya.

Naiinis niyang pinasadahan ang buhok niya gamit ang mga daliri.

"He's an asshole. He's being unreasonable," ang tanging nasabi ko na lang kasi kahit ako ay kumukulo rin ang dugo sa kaniya.

"Ganito ka ba niya tratuhin kapag nasa iisang kaso kayo?" may diin pa rin sa bawat salita niya.

"No... may saltik lang talaga siya sa ulo ngayon, Ry kaya ganiyan siya."

"I know he has personal issues with me back then pero hindi ko naman inaasahan na dadalhin niya pa rin hanggang dito ang galit niya. He's real asshole," salubong ang mga kilay niya habang sinasabi niya iyon.

"He's jealous huh," he said with conviction.

Jealous? Bakit naman niya pagseselosan si Ry ha? Wala namang ginagawang masama sa kaniya ang tao para insultuhin at pagselosan niya ito. He has no right at all.

"Why would he be jealous of you? Napaka walang kwenta ng rason niya," I told him.

"Yeah... because after all, it's my fault," wala sa sarili niyang sabi.

Kumuno ang noo ko sa sinabi niya at hinarap siya. Anong kasalanan ang sinasabi niya? Wala siyang kasalanan dito at malinaw pa sa katotohanan na si Reeve ang may mali dito.

"You're not at fault here, Ry. Ang gago lang talaga niya kanina," I convinced him.

"Will you forgive me if I have done something so terrible?" naging seryoso ang kaniyang mukha habang titig na titig sa akin.

In Your Arms ( Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon