Chapter 29

4K 148 21
                                    

Chapter 29

Territorial

Ang masarap kong tulog ay naudlot dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Pikit mata ko pang inabot ang cellphone sa bedside table at inis na pinatay ang tawag.

It is still early in the morning! Kung sino man ang tumawag sa akin sa ganitong oras ng walang matinong rason ay makakatikim talaga ng sapak sa akin kapag nagkita kami!

Pagkatapos kong patayin ang tawag ay pikit mata ko ring ibinalik ito. Pero hindi pa nga nag-iisang minuto nang pinatay ko ito ay tumunog na naman!

"Ahh! Nakakainis naman! Sasapakin ko talaga ang kung sino mang kulto ang tumawag sa akin at inistorbo ang tulog ko!" I annoyingly said to myself.

Inis na inis akong bumangon at kinamot ang ulo ko. Padabog kong kinuha ang cellphone kong walang sawa sa pagtunog at sinagot ito ng hindi alam kung sino ang tumawag sa akin.

"Makakatikim ka talaga ng sapak sa akin kapag wala kang matinong rason para tawagan ako ng ganitong oras!" galit kong bungad sa taong tumawag sa akin.

Nagiging beast mode ako kapag iniistorbo ang masarap kong tulog!

Isa sa pinakaayaw ko talaga ay 'yong iistorbohin ang maganda kong tulog lalo na kung walang matinong rason para gisingin ako. Dahil hindi ko talaga pinapansin ang taong sumira sa tulog ko. Renaissa knows that very well kasi siya ay nakatikim din ng ganyan sa akin.

Gisingin ba na naman ako para lang maibahagi niya 'yong kilig na nararamdaman niya kasi nag heart react 'yong crush niya sa profile picture niya no'ng highschool. Kaya nakatikim siya ng sapak sa akin at buong araw ko siyang hindi pinansin.

"Really? You'll punch me because I ruined your beauty sleep?" a husky voice on the other line wake up my system. Ang inis na naramdaman ko kanina ay napalitan ng pagkahiya nang malaman ko kung kanino nangaling ang boses sa kabilang linya.

To confirm it ay tinignan ko ang caller id and just what I expected it was him! Napatampal ako sa aking noo nang maalala ko mga pinagsasabi ko sa kaniya kanina!

Really, Henzy? Kahit kailangan talaga ang tanga-tanga mo no?

I cleared my throat and fixed my hair even though he can't see me. Siyempre kahit tawag lang ito ay dapat maayos ka pa rin tignan no! Iisipin ko na lang na kaharap ko siya kahit ang totoo ay sa cellphone lang naman talaga.

"Reeve! Ikaw pala 'yan, why did you call so early in the morning!" medyo na iilang kong ani sa kaniya.

He laughed at my remarks, "Yes, my queen. It's me... I am outside of your apartment, waiting for you to open the door, but you said you'll punch me, so I will just take my leave."

Wala pang mas ikinabilis sa isang segundo akong bumaba at dumeretso sa pintoan para pagbuksan siya. Hawak-hawak ang cellphone ay nagmamadali akong buksan ito.

Smiles were automatically formed on my lips as the sight I am seeing gave happiness to my heart. Reeve was leaning on his car while his hand was on his phone, and the other one was inside his shorts pocket. As soon as he saw me standing in front of the door, he quickly ended the call and walked towards me.

He was just wearing his usual outfit, yet the way he carries himself looks like he models the clothes he's wearing. My eyes were fixated on him, and I didn't notice that he was now in front of me.

Ang paghalik niya sa aking noo ang nagpabalik sa akin sa katinuan. "I miss you," pambungad niya agad sa akin.

I encircled my hands around his waist and looked up at him. Ang aking mga ngiti ay mas lalong lumapad nang marinig mula sa kaniya ang mga salitang 'yon.

In Your Arms ( Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon