Dedicated to: SherryLouVianzon
Chapter 52
Accident
I am supposed to be resting now, but the text message of Joana bothers me. Kanina pa nakahiga lang at mulat na mulat habang nakatunganga sa kisame. I tried different positions to sleep, but I couldn't.
The message of my half-sister lingers on my mind. Anong katotohanan ang dapat kong malaman? Ang katotohanan ba na niloko ako ni Reeve at siya ang pinili? Gusto niya pa rin bang ipamukha sa akin na nagwagi siya sa pag-agaw kay Reeve?
What is this truth? The truth about us three?
Nang hindi na talaga ako mapakali ay bumangon ako at kinuha ang cellphone. Walang pagdadalawang isip kong denial ang numero ni Joana. It's useless if I will wait for next week. Hinding-hindi ako papatulugin ng kyuryusidad ko kapag hindi ko pa ito nalaman at baka sumabog na ako ng tuluyan.
"Hello?" sabi niya sa kabilang linya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinabi ko na agad kung ano ang pakay ko sa kaniya.
"Let's meet today. I am free. You decide the place." I immediately ended the call and went to my bathroom to fix myself.
Habang naghihilamos ako ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naalala ko naman ang sinabi ni Reeve sa akin kanina sa sasakyan. He also mentions this thing. About the truth. May connection ba ito sa sasabihin ni Joana sa akin ngayon? May kinalaman din ba ito sa nangyari noon?
Ano ba ang kailangan ko malaman? What happened after I leave?
Pagkatapos kong mag-ayos ay hinintay ko ang text ni Joana kung saan kami magkikita. Pagkababa ko ay nakita ko si ate Nena sa sala naglilinis. Napatigil siya nang makita ako.
"Saan ka pupunta, Henzy? Kakahatid lang sa'yo noong boyfriend mo ha."
Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi ni ate. Why would she think like that? Hinatid lang ako boyfriend na agad. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at sinagot siya, "May kikitain po ako ate. Babalik din naman ako kaagad."
"At hindi ko po boyfriend ang naghatid sa akin dito," huli kong sinabi bago tuluyang namaalam sa kanya.
"Starbucks," a simple message was coming from her.
Pagkatanggap ko ng text niya ay agad akong nagtungo doon. Sa city kami magkikita kaya medyo malayo-layo pa ang biyahe ko. Habang tinatanaw ang dinadaanan ay ang isip ko naman ay lumilipad sa possibleng sabihin niya sa akin.
Hindi naging maganda ang relasyon naming dalawa simula pagkabata pa lang at bago ako umalis ay hindi rin naging maganda ang samahan namin dahil sa mga nangyari. Kaya nakakagulat at impossible ang pagkikita namin ngayon. He likes Reeve. He likes him kaya ano pa ang rason niya para kitain ako?
Ipapamukha niya pa rin ba sa akin na hanggang ngayon ay sila pa rin? But no, Reeve told me that Joana isn't his girlfriend and he used her...
Used her... Right! He told me about this when he's drunk. May kinalaman din ba ito sa ngayon? At anong ginamit niya si Joana? Ano ba talaga ang meron?
Damn this... bakit parang may mali sa lahat?
Nang makarating na ako ay agad kong ipinark ang sasakyan at pumasok na sa loob. Inikot ko ang paningin ko sa mga tao sa loob hinahanap si Joana ngunit ni anino niya ay hindi ko makita.
I guess I have to wait a little more. I ordered my usual drink, the ice coffee mocha, and found a usual spot where we could have our privacy when we talk. Dahil walang masyadong tao ngayon ay agad din na serve ang inorder ko.
BINABASA MO ANG
In Your Arms ( Med Series #1)
RomanceAfter experiencing several heartbreaks from her past. Henzy Neve Vasquez doesn't wanna risk her heart again for the third time around. Loving someone means pain for her as her experience in love doesn't give her the impression everyone has. She trie...