Chapter 51

4.3K 156 69
                                    

Dedicated to:ashleyxnikol

Chapter 51

The truth

Hindi natapos ang trabaho ko ng alas nuwebe dahil sa pag code white ng emergency room. Ang ibig sabihin noon ay kailangan kaming lahat sa emergency room simula sa pinakataas na ranko hanggang sa pinakababa to respond in emergency situation. Tatlong bus ang nagsalpukan kaya marami ang mga pasyente at minsan ay hindi na ma kontrol ang sitwasyon.

"Expired," ang huli kong narinig kay Dr. Dela Fuente.

Alas syete na ng humupa ang sitwasyon. Lahat kami ay pagod sa mga nangyari. Pinagmasdan ko ang loob ng ER at nakikita ko ang mga kamag-anak ng mga mamatay na umiiyak, sumisigaw hindi matanggap-tanggap ang nangyari sa kanilang pamilya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tumingala dahil sa mga nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Ten years ago, I was one of them when I saw the body of my mother lifeless. Crying real hard, unable to grasp the truth that my mother is dead. The cause of her death was an accident, but later they found out that the car of my mother using loses its brake.

Sabi ni papa, iyon ang sasakyan palagi nilang ginagamit kapag pumapasok sila sa hospital. Noong araw na iyon ay pina condition ni Papa ang sasakyan para kay Mama kasi plano ni Mama na i-surpresa ako. Kaya impossibleng hindi gagana ang brake ng sasakyan.

Later they found out that it was intentional. My father had it investigated, and they already captured the person who did it, but they believe that someone is a mastermind behind it. Ayaw nga lang magsalita ng taong iyon.

That person who is the mastermind of her death was furious with her.

I was mad when I heard the news I wanted to kill the person who did that to my mother. Walang ginawa ang aking ina kun'di ang tumulong sa mga taong nangangailangan. She's a good person. She's a good doctor, and she's the best mother. Nawalan kami ng sariling ina dahil sa galit ng kung sino man 'yan.

But then, I realized wala akong pinagkaiba sa taong gumawa noon sa aking ina kung gusto ko rin patayin ang gumawa noon.

Wala akong pinagkaiba sa isang mamatay tao. Kahit gusto ko pa siyang patayin hinding-hindi pa rin maibabalik ang buhay ng ina ko. That's why all I did was to move on and move forward for my life.

"Uuwi ka na?" tanong ni Jenny na humihikab ba at halata ang pagod sa mga mata.

"Oo..." pagod kong sagot at umalis na ER at pumunta sa quarters namin.

Napadako ang tingin ko sa wall clock ng hospital at mag a-alas syete trenta na. Magdamag kaming busy sa pag responde ng pasyente at ang iba ay kinakailangan ng emergency operation.

"Hind ko mapigilang hindi malungkot sa mga pamilyang nawalan ng kamag-anak," ani Jenny.

"Sudden death is much painful," wala sa sarili kong wika.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko Ry na humihikab din at hinihimas-himas ang likurang bahagi niya. Ilang araw ang nakalipas sa pag-amin niya sa akin ay hindi niya ako pinapansin at iniiwasan ako sa tuwing nakakasalamuha ko siya.

Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang inasta niya. I hurt him. Nakakalungkot lang isipin na dahil doon ay nagkalamat ang pagkakaibigan namin. Ry is a good friend. He's my friend and I can't give him more than friendship.

Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong maibigay.

"Ry is here. May nangyari ba sa inyo at hindi kayo nagpapansinan nitong nakaarang araw?"

In Your Arms ( Med Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon